Saturday, July 23, 2011

Pagpapatuloy sa pagsawata sa mga paninira ni Renante Nate


[Note: Ang sumusunod na
usapan ay pagpapatuloy ng diskusyon sa pagitan ng inyong lingkod Franz Luigi
Lugena at ni Renante Nate ng Iglesia ni Manalo na orihinal na nakapaskil sa
Facebook. Para sa link:
http://www.facebook.com/umagangkayganda2/posts/248301468516369] 





[Diarick Lim: To all priest and bishop..

"These people honor me with their lips,but their hearts are far from me.

They worship me in vain;their teachings are but rules taught by men.

Matthew15:8-9

To all man kind..

"For I tell you that unless your righteousness surpasses that of the
Pharisees and the teachers of the law,you will certainly not enter the kingdom
of heaven.

Matthew5:20]





[Renante Nate: ‎@santillan
di ko alam sa akin ka pala tanong. Im proudly INC as in Iglesia ni Cristo. Kung
bibliya din naman lang ang pag-uusapan ay dyan nakasalig ang aming
pananampalataya. -no tradition, no rituals. Our most unique feature is UNITY.
inihalintulad kami sa kawan ng mga tupa. If you personally observe the behavior
of a sheep, you will understand Jesus. ]





‎@Diarick, pakibasa nito:







Gal 6:6

Share every good thing you have with anyone who teaches you what God has
said.




Walang masama na magbigay ng donasyon sa mga taong nagturo sayo ng mabuting balita,
lalo pa’t wala namang pilitan. Di gaya sa Iglesia ni Manalo mas matindi
abuluyan dun. May ikapu, dalawang beses na abuluyan kada linggo, may fine kapag
absent sa pagsamba, may DTR, tapos didiktahan ka pa sa pagboto mo. Kala ko ba
separation of church and state? Bakit pati political rights ng mamamayan eh
pinanghihimasukan?





Renante said, “Kung
bibliya din naman lang ang pag-uusapan ay dyan nakasalig ang aming
pananampalataya. -no tradition, no rituals.”




Bola yan. Panong nakasalig sa bibliya pananampalataya nyo eh sabi mo nga wala
kayong Tradition gayung inaamin ng mga apostol mismo na meron silang Tradition:



2 Thes 2:15

So then, brethren, STAND FIRM AND HOLD TO THE TRADITIONS WHICH YOU
WERE TAUGHT BY US,
either by word of mouth or by letter.




Klaro, may Tradition ang mga apostoles. Yan ang Tradition na minana ng
Simbahang Katoliko. Iba yan sa tradition of men na tinutukoy sa Mat15:8-9. Di
komo sinabing tradition eh ihahalintulad mo sa tradition ng hudyo. Ano yan
tunog style? Eh ikaw na mismo umamin na wala kayong Tradition. Aba, hindi nyo
pinanghawakang matibay ang Tradition na tinuro ng mga apostoles.Nilabag nyo
bibliya. Hindi kita masisisi kasi bagong litaw lang sekta mo eh. 1914. Kaya
wala talaga kayong Tradition. Lolz





[Renante Nate: Franz na nalugi
na. You must be severely misinformed. Mahiya ka naman sa sarili mo. Walang
ikapu sa INC. Walang fine sa pagsamba. May tarheta kami at walang DTR. Hindi
rin kami dinidiktahan sa pagboto sapagkat mag-isa ka at sikreto ang eleksyon sa
pilipinas. Alagad ka pa naman ng simbahang katoliko pero di mo naiintindihan
ang konsepto ng separation of church and state.





Traditions taught by the
apostles written in the bible are very different from the tradition of catholic
church. Wala kaming tradisyon sapagkat hindi kami gumagawa ng tradisyon. Kung
ano lang turo sa bibliya di na kami lumalampas pa.





Halimbawa, minana nyo ba
sa mga apostol ang tradisyon nyo ng poong nazareno sa quiapo? Kayo lang naman
nagimbento niyan noong nakaraang mga siglo sa panahon ng kastila





Speaking of abuluyan,
where were you these days? Pati pondo ng gobyerno may bahagi ang katoliko.
Hindi na nagkasya sa abuloy na nakukuha oras oras at araw araw sa misa sa
simbahan pati sa mall, pati sa opisina. Kukuha pa ng pera sa mga donasyon ng
mga masasama at ipapakain kuno sa mga dukha. Ano ipinagkaiba niya sa prostitute
na pinapakain sa mga anak niya ang bunga ng trabaho niya.





I hope everyone
understands you. Truly it is stressful to hear controversy to your only source
of living. We are sorry.]





[Renante Nate: Franz na nalugi na. You must be severely misinformed.
Mahiya ka naman sa sarili mo. Walang ikapu sa INC. Walang fine sa pagsamba. May
tarheta kami at walang DTR. Hindi rin kami dinidiktahan sa pagboto sapagkat
mag-isa ka at sikreto ang eleksyon sa pilipinas. Alagad ka pa naman ng
simbahang katoliko pero di mo naiintindihan ang konsepto ng separation of
church and state.]





Actually,
Renante na Natae dahil naremate, puro sablay mga argumento mo. Tanim ka na lang
ng kamote ng may kontribusyon ka naman sa NGP ng gobyerno. Anong misinformed na
sinasabi mo? Eh ikaw etong puro palusot kala mo hindi ko alam modus ng iglesia
mo na tatag lang tao? Eh sa totoo naman na merong fine sa inyo kapag absent sa
pag samba eh. Dito samin, bente pesos ang fine sa mga absent sa pagsamba nyo.
Yung pamilya yung nagbabayad nun para dun sa umabsent na miyembro. Kaya nga
namumulubi yung biyenan nung katrabaho ko eh na miyembro nyo at hindi na
umaatend ng pagsamba nyo dahil yung biyenen ang nagbabayad at kinukumbinse sya
na umattend na kasi nga namumulubi na.





Tsaka
wag ka ngang mang uto. Merong DTR na card din baka kala mo. Ke tarheta o DTR
card, pareho rin yun: imonitor attendance ng miyembro. Required din kayo na
kumuha ng Certificate of Attendance o CA kapag sumamba sa ibang lokal para
hindi mamarkahang absent sa sariling lokal. Wala nang pinag iba yung pagsamba
nyo sa official business transaction sa mga opisina na nire-require ng CA. Saan
ang mga yan sa bibliya? Ang mga apostol ba eh may attendance card at Certificate
of Attendance sa pagsamba nila? Yan maliwanag na tradition ng tao.





Tsaka
magpapalusot ka pa na hindi kayo dinidiktahan sa pagboto eh kaya nga
nagpapakamatay mga corrupt na pulitiko na makuha ang suporta ni Manalo kasi
alam nila na kung ano dikta ni Manalo sinusunod nyo dahil ang hindi sumunod eh
may parusa ng pagkatiwalag. Sablay yung rason mo na kesyo mag isa lang daw
kapag boboto. Eh hindi komo mag isa ka eh walang nagdikta sayo dahil maaaring
yung pagdidikta eh nangyari before you go to the election precinct. Kaya
bangkarote talaga argumento mo Renante.





Tsaka
yung uri mo ang ignorante sa konsepto ng separation of church and state. Yung
prohibition eh sa parte ng gobyerno, upang masiguro na walang pinapanigang
pangkat ng pananampalataya ang gobyerno na syang may control sa resources ng
bayan. Pero bagamat ganun, may mga isyu kung saan ang gobyerno at simbahan ay
PARTNERS. Isang halimbawa dyan ang education at social works. Hindi pwedeng
sabihin na walang pakiaalamanan sa isa’t isa ang simbahan at gobyerno pagdating
sa edukasyon at social works sapagkat pangangailangan ng mamamayang Pilipino
ang tinutugunan dito, hindi exclusive na sa katoliko lang. Hindi mo ata alam na
yung mga batang ulila na hindi kayang alagaan ng DSWD eh dinadala sa mga catholic
orphanages? Anong masama kung tumulong ang gobyerno na ipaayos yung dingding o
bubong ng mga catholic orphanages kung dito naman dinadala yung mga batang
hindi kayang alagaan ng DSWD? Anong masama na magdonate ang gobyerno ng
sasakyan sa simbahan upang magamit sa pagdadala ng mga relief goods at medical
supplies sa mga lugar na di napupuntahan ng gobyerno? Maliwanag nandun ang
pagtutulungan ng simbahan at gobyerno upang tugunan ang mga pangangailangan ng
mga tao. Sa mga bagay na yan, hindi uubra yung private interpretation mo ng
separation of the Church and State. Sapagkat kung makinabang man ang simbahan
sa donasyon ng gobyerno upang maisulong ang mga gawain nito sa larangan ng
edukasyon at social works, yun ay INCIDENTAL lamang. Ang primary objective ay
tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na parehong pinagsisilbihan ng
simbahan at estado. Kung hindi mo alam ang ibig sabihin nyan, malaki ang
problema mo. lolz  





Yung
birthplace nga ni Manalo inexpropriate ng pamahalaan eh. For cultural and heritage
reasons. Pero nakinabang din sekta mo incidentally. Hindi kami kumikibo kasi
nauunawaan namin separation of church and state. Ikaw ignorante sa konseptong
yun.





[Renante Nate: Traditions taught by the apostles written in the
bible are very different from the tradition of catholic church. Wala kaming
tradisyon sapagkat hindi kami gumagawa ng tradisyon. Kung ano lang turo sa
bibliya di na kami lumalampas pa.]





Wag
mong iligaw isyu. Maliwanag sabi mo kanina na WALA KAYONG TRADISYON. Eh nabasa
ko na yung mga apostol merong Tradisyon. Dun palang buko na iglesia mo na
talagang pirated at peke. Paclaim-claim ka pa na nakasalig daw sa bibliya
pananampalataya nyo eh malinaw nga na kontra sa bibliya eh.





2
Thes 2:15


So
then, brethren, STAND FIRM AND HOLD TO THE TRADITIONS WHICH YOU WERE
TAUGHT BY US,
either by word of mouth or by letter.





Maliwanag
may Tradisyon ang mga apostoles. Kayo aminadong wala. Kaya obvious na hindi
talaga biblical yang iglesia mo sa Kadiliman, Quezon City. Wala kayong
tradisyon kasi 1914 lang lumitaw sekta mo. Hindi ninyo pinanghawakang matibay
ang Tradisyon ng mga apostoles. Wala kayong tradisyon eh. 





[Renante Nate: Halimbawa, minana nyo ba sa mga apostol ang tradisyon
nyo ng poong nazareno sa quiapo? Kayo lang naman nagimbento niyan noong
nakaraang mga siglo sa panahon ng kastila
]





Aba,
oo naman. Eh maliwanag sa bibliya mababasa na yung Nazareno eh si Cristo.
[Mat2:23] At kaming mga katoliko ang tumatawag sa kanya nyan. Hindi kayo. Dun
natutupad ang kasulatan. At gaya ni Haring David, ang icon o sagradong imahe
ang inilalagay sa karo at prinuprusisyon:





2Sam6:3-5


AT KANILANG INILAGAY ANG KABAN NG DIOS
SA ISANG BAGONG KARO,
at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa
burol: at si Uzza at si Ahio, na mga anak ni Abinadab, AY SIYANG
NAGPATAKBO NG BAGONG KARO.


4  At kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab, na
nasa burol, pati ng kaban ng Dios: at si Ahio ay nagpauna sa kaban.


AT SI DAVID AT ANG BUONG SANGBAHAYAN NI
ISARAEL AY NAGSITUGTOG SA HARAP NG PANGINOON NG SARISARING PANUGTOG
na
kahoy na abeto, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta, at ng
mga kastaneta at ng mga simbalo.





Yung
icon o sagradong imahe eh  talagang
inilalagay sa karo at ipinuprusisyon, sa saliw ng tugtugan. At magandang
mapansin na bagamat Kaban ng Diyos ang nasa karo na siyang tinutugtugan nila
Haring David, sinasabi sa bersikulo singko na sila’y nagtutugtog sa harap ng
Panginoon. Maliwanag na ang presensya ng Diyos ay nasa sagardaong imahe. Kaya
may basehan ang prusisyon ng Poong Nazareno.





Eto
pa:





Psalms
68:24-25


24
YOUR PROCESSION HAS COME INTO VIEW, O GOD, THE PROCESSION OF MY GOD AND
KING INTO THE SANCTUARY.





25
In front are the singers, after them the musicians;
with them are the maidens playing tambourines.





Si
Cristo na syang Diyos [Juan20:28] at Hari [Rev17:14] eh merong prusisyon na
nagtatapos sa simbahan o sanctuary. Eh katolikong-katoliko yung sitas eh.





[Renante Nate: Speaking of abuluyan, where were you these days? Pati
pondo ng gobyerno may bahagi ang katoliko. Hindi na nagkasya sa abuloy na
nakukuha oras oras at araw araw sa misa sa simbahan pati sa mall, pati sa
opisina. Kukuha pa ng pera sa mga donasyon ng mga masasama at ipapakain kuno sa
mga dukha. Ano ipinagkaiba niya sa prostitute na pinapakain sa mga anak niya
ang bunga ng trabaho niya? ]





Actually,
mas talamak abuluyan sa iglesia ni Manalo. Di ba may kanta pa nga kayong
“Abuloy, abuloy bawat isa…Abuloy, abuloy” lolz Sa isang linggo lang eh dalawang
beses na required na abuluyan meron kayo. Tapos bago matapos ang taon meron
pang pasasalamat na inipon buong taon. Pambayad sa mga kapilya nyo na utang kay
Manalo. Lolz





Yung
patutsada mo patungkol sa mga misa na ginagawa sa mga opisina at mall, ilitaw
mo talata na bawal magmisa sa mall at mga opisina. Kaya nandun ang mga pari
namin dahil INIMBITAHAN sila. Kung walang imbitasyon hindi naman pupunta dun
ang pari. At dahil may imbitasyon, tumutugon ang mga pari namin bilang tapat na
lingkod ng Diyos na nangangaral ng mabuting balita “whether in season or out of
season.” [2 Tim4:2] In normal circumstances, yung mga misa namin eh ginagawa sa
loob ng simbahan.





Tsaka
weno ngayon kung tumanggap ng donasyon mula sa masasama? Yung masama eh yung
tao hindi yung donasyon na maaring magamit sa kabutihan. Donation per se ay
hindi masama. Kaya sablay yung analohiya mo sa prostitute. Eh yung sugo mo nga
natakot sa hapon eh kaya sa isang sulat nung 1942 eh ipinasa pamamahala kay
Prudencio Vasquez. Yun daw ang gusto ng Hapon kaya kailangang sundin. Imbes na
God’s will eh human will ang sinunod eh.Yan ang masama. lolz





Tsaka
ang punto eh ganito, yung mabuti lang ba ang pwedeng magdonate? Eh anong
karapatan mo na harangin at husgahan yung pagsisikap nung taong nagkasala na
gumawa ng mabuti sa pamamagitan ng pagdodonate sa simbahan? Ang masama eh yung
gamitin mo yung donasyon labas sa intension ng nagbigay. Sa kaso ng simbahan,
yung donasyon eh ginagamit sa intended purpose nito. At kahit sa senate inquiry
eh napatunayan yan. Kaya walang masama dun.





[Renante Nate: I hope everyone understands you. Truly it is
stressful to hear controversy to your only source of living. We are sorry.]





Actually,
navindicate ang mga obispo namin. Ang mga napahiya eh yung akusa ng akusa na
namili raw ng pajero ang mga Obispo gamit pondo ng PCSO. Dahil walang
napatunayan na merong pajerong binili. Karamihan ay pick up vehicle o dili kaya
ay van na hindi naman luxury vehicle at second hand pa. Kaya nga nag sorry ang mga
senador eh. Kayo ang pahiya dahil bumalik sa pagmumukha niyo akusasyon
niyo.  



No comments:

Post a Comment