Friday, August 5, 2011

KATANUNGAN HINGGIL SA PAGHUHUKOM SA MGA YUMAO





The Risen Lord descended on the Abode of the Dead


 


 

Anonymous
said...



Father, question lang po, sa Credo, nababanggit po yung, "..to judge the
living and the dead" . Hindi ko po maintindihan father kung bakit po
nandoon ang "dead" kasi po diba sinabi naman sa Bible na after death may
judgement na? bakit pa po huhukuman ang patay gayong araw na ng
paghuhukom? Naitanong ko lang po kasi lumalakas po ang kutob ko na baka
talakayin po namin iyon ng kaklase kong manalista. SAlamat po!

















Fr. Abe, CRS
said... 

 




[Father, question lang po, sa Credo, nababanggit po yung, "..to judge
the living and the dead" . Hindi ko po maintindihan father kung bakit po
nandoon ang "dead" kasi po diba sinabi naman sa Bible na after death
may judgement na? bakit pa po huhukuman ang patay gayong araw na ng
paghuhukom? Naitanong ko lang po kasi lumalakas po ang kutob ko na baka
talakayin po namin iyon ng kaklase kong manalista. SAlamat po!]


ANG BIBLIA AT ANG SANTA IGLESIA AY NAGTUTURO NG DALAWANG URI NG PAGHUHUKOM:

1. IMMEDIATE JUDGMENT

Heb 9:27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom

SEE, RIGHT AFTER THE DEATH OF SOMEONE JUDGMENT SHALL BE GIVEN.

2. FINAL JUDGMENT

Matthew
25:31-33
Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang
kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y
luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa
harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na
gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At
ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang
mga kambing.


KUNG ANG IMMEDIATE JUDGMENT AY JUDGMENT ON THE INDIVIDUAL ANG FINAL JUDGMENT AY GENERAL JUDGMENT TO BE GIVEN TO ALL.

THE DOCTRINE "TO JUDGE THE LIVING AND THE DEAD" IS NOT INVENTED BY US CATHOLICS BUT TAKEN FROM THE BIBLE:

1 Peter 4:5 Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay.

Act
10:42
At sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at
saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at
ng mga patay.


ANG PAGHUHUKOM SA MGA PATAY AY ISANG PATUTUO SA
DOCTRINA NG PURGATORIO KUNG SAAN TINUTURO NG SIMBAHAN NA KAHIT SA
KABILANG BUHAY ANG DIOS AY HUMUHUSGA PA RIN SA MGA KALULUWA NA MAKAPASOK
SA KALANGITAN O KAYA AY DAPAT PA SILANG LINISIN BAGO TANGGAPIN SA BUHAY
NA WALANG HANGGAN. ITO AY TINURO NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA
NAGSABI NA MAY PAGPAPATAWAD SA KABILANG BUHAY:

Matthew 12:32 At
ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay
ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa
Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang
ito, o maging sa darating.


KAYA NGA ANG PAGLILIGTAS AY HINDI LAMANG SA MGA NABUBUHAY SA LUPA KUNDI PATI SA MGA KALULUWA NG MGA PUMANAW NA:

Ruth
2:20
At sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: Pagpalain nawa siya ng
Panginoon, na hindi ikinait ang kaniyang kagandahang loob sa mga buhay
at sa mga patay.


ANG GRASYA NG DIOS... ANG KANYANG
KAGANDAHANG-LOOB AY IBINIBIGAY HINDI LANG SA MGA BUHAY KUNDI PATI SA MGA
YUMAO. AT KAHIT NA ANG RISEN LORD AY GINAWA ITO:

1 Peter 3:19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

1
Peter 4:6
Sapagka't dahil dito'y ipinangaral maging sa mga patay ang
evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan,
datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.


KAYA NGA
PINAGDADASAL PA RIN NATIN ANG KALULUWA NG MGA NAMATAY DAHIL HUMIHINGI
TAYO NG AWA NG DIOS PARA SA MGA HINDI AGAD PINAPASOK SA LANGIT DAHIL SA
MGA KASALANANG HINDI PA NILA NAPAGDUSAAN SA LUPA. 




No comments:

Post a Comment