Showing posts with label Frankincense - Kamangyan. Show all posts
Showing posts with label Frankincense - Kamangyan. Show all posts

Saturday, October 16, 2010

Mabuting kaugalian ba ang mag-alay ng Prayer at Insenso sa Panginoon tuwing Bagong Taon?

The Adoration of the Magi (1496) by Filippino Lippi


andee of talisayan misamis oriental said...

Father, may tradation ako na nasunod ko sa mga ninuno ko, siguro okey lang gumamit ng kamanyan while praying and blessing our home during vesperas ng new year? Kasi sabi ng lolo ko na the very first thing na gawin ko rawbago mag new year ay mag offer ako ng prayer at insenso sa panginoon. Kasi daw mas maganda ang buhay ng buong taon kung sisimulan mo ng dasal at ensenso.



Fr. Abe, CRS said...

BRO. ANDEE,




MAGANDANG GAWAIN IYAN. IMAGINE, NAG-AALAY KA NG PANALANGIN AT KAMANYANG SA PANGINOON SA BAGONG TAON NA NAGKATAON NAMAN NA MORE OR LESS ANNIVERSARY NG ADORATION OF THE MAGI TO THE CHILD JESUS. AKMANG-AKMA. NAPAPANAHON AT VERY BIBLICAL NA GAWAIN.




DAPAT MONG IPAGPATULOY IYAN AT MAGANDANG GAWAIN IYAN. TINUTURUAN KA NG LOLO MO NA GAYAHIN ANG PAGSAMBA NA INIALAY NG MGA MAGO SA SANGGOL NA SI JESUS. VERY GOOD YAN.


Friday, October 15, 2010

DAPAT BANG GUMAMIT NG KAMANGYAN SA PAGSAMBA SA DIOS?

Icon of the Nativity Scene showing the Three Magi offering their gifts to the Lord: Gold, FRANKINCENSE and Myrrh.


Anonymous said...

may naka-pagsabi po sa akin na ang kamanyang ay ginagamit kung nag--tatawag daw po ng mga ispiritu tapos yung daw pong insenso lng ang ang ay nag-papaalis daw po ng bad ispirit ;ano po ba dapat talaga kc nag-iinsenso po ako dito sa bahay namin ngayon po hnd ko na po nilalagayan ng kamanyang dahil natakot po ako !!!



Fr. Abe, CRS said...

ANG KAMANGYAN AY HINDI MASAMA AT HINDI NAGTATAWAG NG MGA MASAMANG ESPIRITO. ITO AY ISANG BANAL NA BAGAY NA INIUTOS NG DIOS KAY MOISES NA DAPAT GAMITIN SA SANCTUARIO:





Exodo 30:34 [Ang Biblia]
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na KAMANGYAN: na magkakaisa ng timbang...




AYAN, DIOS NGA MISMO ANG NAGPAPADALA NG KAMANGYAN. DAHIL DIOS ANG MAY GUSTO NG KAMANGYAN KAYA AYAW NG MGA DEMONIO AT MASAMANG ESPIRITO SA KAMANGYAN.




ANG ANG KAMANGYAN AY ISA SA MGA REGALONG IBINIGAY SA PANGINOONG JESUS NOONG SIYA AY ISILANG. TANDA NA ANG PANGINOONG JESUS AY DIOS:




Mateo 2:11 [Ang Biblia]
At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at KAMANGYAN at mira.




KAYA TAYONG MGA CATOLICO AY NAG-AALAY NG KAMANGYAN PARA SA DIOS AT SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.




KAHIT NA ANG MGA HAING HANDOG SA DAMBANA AY DAPAT LAGYAN HINDI LANG NG INSENSO PATI NG KAMANGYAN. KAYA NGA MAY INSENSO AT KAMANGYAN SA ATING MGA MISA:




Leviticus 2:1 [Ang Biblia]
At pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng KAMANGYAN.