Father!!anung k lng po kung tlaga bang may katibayan sa bibliya ang
pagsamba kay Jesus?pls kc nguguluhan na po tlaga ako hinding hindi ko po
mahanap eh. at kung papaanu po mapatunayan ang trinity.pls wala na
akong sinusunod ngayun habang walang malinaw na kasagutan naawa po ako
sa sarili ko..
[Father!!anung k lng po kung tlaga bang may katibayan sa bibliya ang
pagsamba kay Jesus?pls kc nguguluhan na po tlaga ako hinding hindi ko po
mahanap eh.]
NAKU IHO, MADAMING TALATA SA BIBLIA NA NAGSASAAD NG PAGSAMBA KAY JESUS. BASAHIN MO ITO:
Mat
2:2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming
nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y
SAMBAHIN. [Ang Biblia]
ANG PURPOSE NG 3 MAGO AY MAKITA SI JESUS
AT SAMBAHIN SIYA. AT NUNG MAKITA NILA E TALAGANG SINAMBA NILA SI JESUS
NA HOLY CHILD O STO. NINO:
Mat 2:11 At nagsipasok sila sa bahay,
at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at
NANGAGPATIRAPA SILA AT NANGAGSISAMBA SA KANIYA; at pagkabukas nila ng
kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na
ginto at kamangyan at mira.
HINDI LANG ANG BABY JESUS ANG
SINAMBA, MAS LALO NA NUONG MALAKI NA SIYA AT PINAKITA NIYA ANG KANYANG
KAPANGYARIHAN BILANG DIOS NUNG UTUSAN NIYA ANG HANGIN AT PATAHIMIKIN ANG
BAGYO SA DAGAT:
Mat 14:31-33 At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang
kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na
kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan? At pagkalulan
nila sa daong, ay humimpil ang hangin. At ang mga nasa daong ay
NAGSISAMBA, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
MAS LALO ITONG TUMINDI NG NAKITA NILA SI JESUS NA MULING NABUHAY. THE RISEN LORD WAS WORSHIPPED:
Mat
28:9 At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak
kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y
SINAMBA.
Mat 28:17 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang SINAMBA; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.
BAGO UMAKYAT SA LANGIT ANG PANGINOONG JESUS AY SINAMBA RIN SIYA:
Luk 24:52 At siya'y SINAMBA nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak...
HINDI
LANG DITO SA LUPA DAPAT ISAGAWA ANG PAGSAMBA KAY JESUS MAGING SA LANGIT
AY INIUTOS NG AMA NA SAMBAHIN NG MGA ANGHEL SI JESUS AT ANG DIOS AMA PA
MISMO ANG TUMAWAG NG "DIOS" SA ANAK:
Heb 1:6-8 At muli nang
dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At SAMBAHIN siya
ng lahat ng mga anghel ng Dios. At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,
Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga
ministro ay ningas ng apoy: Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang
iyong luklukan, Oh DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran
ay siyang setro ng iyong kaharian.
AYAN, IHO. MALINAW NA SI JESUS AY DAPAT SAMBAHIN DAHIL SIYA AY DIOS.
[at kung papaanu po mapatunayan ang trinity.pls wala na akong sinusunod
ngayun habang walang malinaw na kasagutan naawa po ako sa sarili ko..]
ANG TRINITY AY PINATUNAYAN NA DITO. PLEASE READ THESE POSTS:
http://thesplendorofthechurch.blogspot.com/2009/12/refuting-iglesia-ni-manalo-on-holy.html
http://thesplendorofthechurch.blogspot.com/2009/12/refuting-anti-trinity-argument-of.html
HOPE IT WILL HELP. GOD BLESS YOU.
Monday, June 6, 2011
SAAN MAKIKITA SA BIBLIA ANG PAGSAMBA KAY JESUS?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment