Tuesday, December 7, 2010

BORN AGAIN NA ATENISTA, MAS BAGAY SA NEW ERA - SEMPLANG KAY BRO. MARS!

Ateneo de Manila University Chapel - The Gesu


Ateneo said...

Mabilis sabihin ng mga pari at CFD na di nila sinasamba ang mga larawan, pero kung titingnan mo ang prosisyon ng Quiapo o ang Sinulog ng Cebu ay obvious naman na idolatrous ang arrive. Pati nga si Atty Mars, kung makabihis sa kanyang Marian statues ay idolatrous na ring tingnan.




Ateneo



Bro. Marwil N. Llasos said...

Mabilis sabihin ng mga pari at CFD na di nila sinasamba ang mga larawan




[TAMA, MABILIS SABIHIN NG MGA PARI AT CFD NA HINDI NILA SINASAMBA ANG MGA LARAWAN KASI TALAGANG HINDI NAMAN SINASAMBA ANG MGA LARAWAN. AT IYAN ANG ARAL NG SANTA IGLESIA KATOLIKA.]



pero kung titingnan mo ang prosisyon ng Quiapo o ang Sinulog ng Cebu ay obvious naman na idolatrous ang arrive




[KURO-KURO AT PERSEPSIYON MO LANG IYAN. AT SINO KA PARA MAGSABI NA IDOLATROUS ANG PRUSISYON SA QUIAPO O ANG SINULOG NG CEBU? NAKIKITA MO BA ANG KAIBUTURAN NG PUSO NG MGA NAGPUPRUSISYON SA QUIAPO AT SINULOG? MAY KAPANGYARIHAN KA BA NA MABATID ANG ISIP NG MGA TAO? ABA’Y WALA. KAYA ANG PAGHUSGA MO NG IDOLATRIA SA KAPWA MO AY HAKA-HAKA MO LAMANG. NAGBIBINTANG KA. AT IYAN AY LABAG SA BANAL NA KASULATAN (EXO. 20:16). KATUNAYAN, KINAKAMKAM MO ANG KAKANYAHAN NG DIOS. ANO ANG SABI NG BIBLIA?




“Search me, O God, and know my heart! Try me and know my thoughts!” (PS. 139: 23, ESV).




ANG DIOS LAMANG ANG NAKAKATALOS NG PUSO AT NG ISIPAN NG TAO. HINDI IKAW. KAYA ANONG KARAPATAN MONG MANGHUSGA NG KAPWA?




ABER, SAAN MO NAMAN NABASA SA BIBLIA ANG ISANG PRUSISYON AY IDOLATROUS? ISA PA, NI WALA KA NGANG IBINIGAY NA BIBLICAL DEFINITION NG IDOLATRY TAPOS NANGHUHUSGA KA NG KAPWA. PALABINTANGIN. WALANG KATUTUBONG PAG-IBIG.



Pati nga si Atty Mars, kung makabihis sa kanyang Marian statues ay idolatrous na ring tingnan.




[O, PATI MARIAN STATUES KO EH PINAKIALAMAN MO? ALIN-ALIN SA MGA MARIAN STATUES KO ANG BINIHISAN KO, ABER NGA? PANGALANAN MO AT ISA-ISAHIN MO. ILAN BA LAHAT MGA IYON?




ISA PA, SAAN MO SA BIBLIA MABABASA NA ANG PAGBIHIS NG ESTATWA EH PAGSAMBA PARA PARATANGAN MO AKO NA IDOLATROUS NA TINGNAN DAHIL SA PAGBIBIHIS NG MARIAN STATUES, ABER?




KUNG ANG PAGBIBIHIS AY PAGSAMBA, KAILAN MO BINIHISAN ANG DIOS, ABER NGA?




KUNG SA DEPINISYON MO NA ANG PAGSAMBA AY PAGBIBIHIS AT PAGPUPRUSISYON NGUNIT HINDI MO NAMAN BINIBIHISAN AT IPINUPRUSISYON ANG DIOS, LALABAS NA HINDI KA SUMASAMBA SA DIOS! SEMPLANG ANG DEPINISYON MO.




ABA’Y ATENEO PA NAMAN ANG GAMIT MONG PANGALAN. NAKAKAHIYA SA ATENEO. ANG MGA MAG-AARAL AT ALUMNI DUN AY MATATALINO. PARANG HINDI NABABAGAY SA IYO ANG PANGALAN NA ATENEO. DAPAT SAYO EH "NEW ERA" ANG ITAWAG. DUN BAGAY KA.


No comments:

Post a Comment