Friday, December 10, 2010

SINO ANG BABAENG KAUSAP NG DIOS SA GEN. 3.15?

The Immaculate Conception of Mary






Anonymous said...

father di ba ang kausap ng Diyos dyan si Eba at ang Ahas? di ba hinahayag dyan ang sumpa sa kanilang dalawa? paano po naging si Mama Mary at ang Ahas yan? thanks



Fr. Abe, CRS said...

Dear Anonymous,


ANG KAUSAP NG DIOS SA GEN. 3:15 AY ANG AHAS. SUBALIT ANG BABAENG TINUTUKOY NIYA AY HINDI SI EBA KUNDI SI BIRHENG MARIA!




Tignan mong mabuti ang Gen 3:15:




Gen 3:15 [KJV] "And I will put enmity between thee and the woman, and between thy seed and her seed; it shall bruise thy head, and thou shalt bruise his heel."




In Tagalog:




Gen 3:15 [Ang Biblia] "At pagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong."




Sa Genesis 3:15 ang kausap ng Dios ay isang babaeng KAAWAY NI SATANAS. Hindi si Eva yon kasi si Eva ay naging alipin ni Satanas dahil sa kasalanan. Ang talatang ito ay isang Divine Promise... A Divine Prophecy. Ito ang unang pagpapahayag ng Plan of Salvation galing mismo sa Dios Ama.




Alam ng lahat na ang dudurog sa ulo ng Ahas ay ang Mesiyas... si CRISTO! Tayong mga tao na galing sa laman ni Eva at Adan ay pumapatay ng ahas na makamandag na hayup subalit si Cristo lang ang makakadurog at dumurog kay Satanas.




NGAYON, SI CRISTO AY ANAK NG ISANG BABAENG 'VIRGIN' [Isaiah 7:14 at Matthew 1:23/ Luke 1:27], 'FULL OF GRACE or HIGHLY FAVORED OF GOD' [Luke 1:28]. This WOMAN [John 2:4] remained faithful to the Lord until the Cross [John 19:26] and even beyond. BANAL AT TAPAT SA PANGINOON ANG INA NI JESUS. Kaya akmang-akma at tupad na tupad kay Maria ang Promise and Prophecy of God the Father.




Hindi pwedeng si Eva yon. Kasi ang alitan ni Satanas at ng Babae ay 'Continuous'. Ganito nga ang salin ng mga Protestante dyan:




Gen 3:15 [Mabuting Balita] "Kayo ng babae'y laging mag-aaway..."




SO DAPAT ANG BABAE NA MAGIGING INA NG MESIYAS AY LAGING KAAWAY NI SATANAS.




Merong isang Baptist apologist mula sa Bereans na ang pangalan ay Rodimus o Gerry Soliman na komokontra. Hindi daw porke kaaway ng Demonio e wala nang kasalanan. Bakit daw ang mga Christians e hindi 'sinless' or 'immaculately conceived' kahit sila ay kaaway ng kasamaan. he, he, he...




Mangmang talaga itong si Rodimus, alias Gerry Soliman. Utak galapong kasi sinungaling at duwag.




Una, ang Christians ay kaaway ng Demonio dahil they belong to Christ. Subalit kapag nagkasala ang isang Christiano siya ay nagiging taksil sa Dios at nagiging kaaway ng kasamaan. Ang isang adulterer o magnanakaw ay traidor sa Dios at kakampi ng Diablo. Magbabalik lang sila sa panig ng Dios kung sila ay magbabalik-loob at malinis sa kasalanan..




ANG INA NI JESUS AY 'LAGING KAAWAY' NG DIABLO. IBIG SABIHIN WALA SIYANG KASALANAN. HINDI SIYA NAGING ALIPIN NG KASALANAN.


No comments:

Post a Comment