Saturday, May 14, 2011

CATHOLIC APOLOGIST FRANZ LUIGI LUGENA NAKIPAGTAGISAN LABAN SA DATING PROFESSOR TUNGKOL SA RH BILL, Part 2

The Madonna and Child


HARAPAN: RH Bill: Ipasa o Ibasura?

Renante Nate Bale ang summary ng defense ng mga Anti RH-Bill ay KALIBUGAN SA BUHAY ang RH BILL. Matigas din ang mga mukha nila na sabihing contraceptives are abortifacients and carcinogenic. Mahiya naman sana sila. Kung nagtuturo talaga sila ng moralidad sa lipunan ay hindi sila mangangatwiran ng ganito.Top of Form

Mayo 09 nang 2:47 PM · Gustuhin ·

Bottom of Form

Franz Luigi Lugena Eh malaya namang mamili ang mga tao ngayon kung gagamit ng condom o mag NFP. Bakit kailangan pang isabatas yan at gamitin yung tax na kinakaltas samin para ipambili ng condom? Eh baka sa kabit lang gamitin yan eh. Kung bitamina sana bibilhin nila eh walang problema. Pero kung condom at pills, gamitin nyo pera nyo. Hwag tax namin.

Mayo 09 nang 4:14 PM · Gustuhin

Renante Nate kasi problema nyo panay condom na lang nakikita nyo na para bang bibili ang gobyerno ng tonetoneladang condoms. Wala kayong ipinagkaiba sa mga aktibista na gusto magbatuta na lang ang mga pulis kasi daw marami na libro ang mabibili sa presyo ng isang baril. Pwede ba naman iyon? Cant you have a wholistic mind to understand the whole issue and not nitpicking on small matters?

Mayo 09 nang 4:18 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Eh hindi ba ganun ang mangyayari? Bilyong piso ang gagastusin para sa contraception? Bilyong piso rin ba ang gagastusin para sa NFP? Sa disparity palang ng budgeting eh malalaman na kung ano ba talaga tunay na kulay ng RH Bill na yan. Yan ay palusot lamang upang bigyang daan na mai-mainstream ang contraception sa lipunang pilipino. Tayo ang bagsakan ng mga surplus na contraceptives ng US. Tsaka yan nga deception ng RH Bill eh. Para yang gatas na hinaluan ng lason. Parang dung covered with snow. It speaks of maternal health care, etc. Pero nakatago yung contraception at antilife na polisiya which will undermine filipino values. Tsaka wag mong itrivialize ang issue ng contraception. Nandun ang problema eh. Kung gusto nyo ng condoms, use your own money. Not our taxes.

Mayo 09 nang 5:46 PM · Gustuhin · 1 tao

Renante Nate Be realistic naman. You are living in your dark imaginings. Bakit nakalagay na ba sa bill ang budget allocation ng contraceptive devices? Papayag ba naman ang sinumang budget officer na mas maraming condom na bibilhin kaysa paracetamol? Mag isip isip naman kayo.

Mayo 09 nang 6:38 PM · Gustuhin

Renante Nate Kung hirap ng buhay din naman

Mayo 09 nang 6:43 PM · Gustuhin

Renante Nate The best advice of a health worker is permanent ligation or vasectomy.

Mayo 09 nang 6:45 PM · Gustuhin

Renante Nate Problema sa mga antiRH, they are severely misinformed. They dont appreciate reality check. They are nitpicking on things that can be freely settled on implementing rules and regulations such as budget, amount of contraceptives. They dont appreciate the intent of the bill. They are filled with much distrust as if they are morality keeper

Mayo 09 nang 7:07 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

‎@ Renante, kailangan ko pa bang hintayin na maipasa muna RH at maidraft ang budget para malaman kung ano motibo ng mga nagsusulong nyan? Eh premise nga ng panukalang batas na yan na kaya tayo mahirap kasi maraming Pilipino. Kaya kailangang bawasan at pigilan ang pagbubuntis. Sayo na rin galing na lousy ang NFP. So kung lousy kamo NFP eh ano iooffer mo sa tao once na maipasa ang RH Bill? Di ba contraceptives? Kung lousy ang NFP ano ang pagtutuunan mo ng malaking budget? Contraceptives.

Mayo 09 nang 11:49 PM · Gustuhin

Renante Nate simple lang naman kasi ang offer ng RH bill- INFORMED CHOICE. may karapatan ba naman ang sinuman to forced anybody to use contraceptives? mahirap ba itong intindihin? Gusto nyo kasi BAWALAN ang mga tao na matutong pumili

Mayo 10 nang 12:10 AM · Gustuhin

Renante Nate Tanggap nyo na nagkalat ang mga contraceptives diyan at OK lang sa inyo na hindi marunong gumamit ang mga tao at hindi marunong mag-alaga sa reproductive health. RH bill will reduce those adverse cases because of this severe ignorance.

Mayo 10 nang 12:15 AM · Gustuhin

Renante Nate kayo lang ba nagbabayad ng buwis? gusto nyo ba lahat ng bininili ng gobyerno ay akma lang sa gusto ninyo?

Mayo 10 nang 12:16 AM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena Aba, kung tax nyong mga prostestante na proRH eh syang ipambibili ng contraceptives eh wala akong pakialam. Pero yung tax naming mga katoliko, wag nyong gamiting pambili ng condom. Yun ang punto.

Mayo 10 nang 12:51 AM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Anong ok na sinasabi mo? Eh hindi nga nagsasawa ang simbahan na turuan ang mga tao kung pano gamitin ng tama ang kanilang sexual faculties. Kung meron mang kaso ng unwanted pregnancies at rape, kagagawan yun ng miyembro na deliberately sumusuway sa turo ng simbahan. Walang garantiya na kapag naipasa ang RH Bill eh wala nang abortion. Pero kapag lahat susunod sa turo ng simbahan, walang abortion. Hindi komo mahirap gawin ang tama eh ok na ang madali na masama.

Mayo 10 nang 12:53 AM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Informed choice? Kung maipasa ba ang RH bill, ako ba na kontra sa RH eh may choice na yung tax ko wag ipagamit pambili ng condom at contraceptives? Wala. Lalabas pa, I'm helping to finance this very thing that is contrary to my faith. Buti kung tax nyo lang. Tsaka of all things, simbahan pa aakusahan mo na kontra sa freedom of choice?Eh wala ngang takdang abuluyan at IKAPU sa simbahan eh. Walang block voting kapag eleksyon. Iginagalang pasya ng bawat miyembro. Ang simbahan ay nagtuturo lamang, miyembro pa rin ang magde-desisyon. Kaya wag OA.

Mayo 10 nang 1:00 AM · Gustuhin

Renante Nate Pwede ba naman iyon. Lahat ng buwis sama sama napupunta sa treasury. Gagastusin yan ng gobyerno gusto mo man o hindi. Ano naman magagawa ko kung ginastos ng isang agencia de gobyerno sa QC ang buwis para sa isang grotto na may kadiring rebulto.
Anong karapatan mo mgreklamo sa gobyerno kung bibili man ng contraceptives? Di naman lahat tutol na katulad nyo.

Mayo 10 nang 1:04 AM · Gustuhin

Renante Nate Wala naman realistic na zero abortion rate. Targets are always %reduction.
Nakakatawa. May umaasa pa ba sa turo ng simbahan?

Mayo 10 nang 1:05 AM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Kaya nga eh. Walang kachoice-choice kapag naipasa ang RH Bill. Kaming mga katoliko eh magiging kasangkapan pa para sa pagbili ng mga contraceptives na kontra sa aming pananampalataya. Nakakainsulto naman di ba? Kung gusto nyo ng condom at pills, pera nyong mga protestante gamitin nyo. Tsaka may karapatan kaming kwestyunin kung pano ginagasta ang pondo ng gobyerno sapagkat malaking bahagdan ng kaban ng bayan eh mula sa mga katoliko, hindi sa mga protestante.

Mayo 10 nang 1:16 AM · Gustuhin

Renante Nate Ano pa silbi ng gobyerno kung gusto nyo kayo lang masunod? Panghimasukan ba trabaho ng gobyerno.
Linisin nyo na lang hanay nyo at patunayan nyo mataas antas ng moralidad ninyo.

Mayo 10 nang 1:17 AM · Gustuhin

Renante Nate Kung susundan ko argumento ninyo, walang patutunguhan kasi lilitaw makasarili kayo.
Hindi rin ba insulto na gastosin pondo ng gobyerno para sa mga aktibidad nyo tulad ng misa, pista opisyal?

Mayo 10 nang 1:21 AM · Gustuhin

Renante Nate Kung maraming katoliko bumibili ng condom at pills, paano mo sasabihing ayaw nila gamitin ang buwis pambili ng gobyerno?

Mayo 10 nang 1:23 AM · Gustuhin

Renante Nate Hindi kami pabor sa sugal. Pero buwis namin ginamit din kapital para sa mga ito. Ngreklamo ba naman kami?
Di kami pabor sa mga liquors pero ano magagawa namin kung may govt shares of stock sa mga companies gumagawa nito?

Mayo 10 nang 1:33 AM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena Sabi mo: "Nakakatawa. May umaasa pa ba sa turo ng simbahan?" SAGOT: Sa awa ng Diyos eh marami pa ring katoliko ang hindi nauuto na umanib sa mga bagong sulpot na sektang protestante. Praise the Lord.

Mayo 10 nang 1:36 AM · Gustuhin

Renante Nate

Mas nakakatawa. Saan naman kukunin ng mga sektang protestante ang mga miyembro nila? Ang sipag kaya nilang mag-bahay bahay. Ang katoliko naman wala nang evangelization na ginagawa kasi umaasa na lang sa sa natural na pagdami ng tao. Ika nga "captured market", bata pa lang at wala pang alam ay nabinyagan na. Wala rin comprehensive listing ang katoliko ng mga aktibong miyembro nila. kumbaga sa form, maglalagay na lang ng KATOLIKO kahit hindi magsimba para lang masabing may relihiyon. ALTHOUGH Catholics is still the majority, but it losses percentage in number and quality of members.

Mayo 10 nang 4:18 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Kaya nga pinag iingat ng bibliya ang mga katoliko na wag magpauto dahil maraming magsisilitawan sa mga huling araw para sila ay dayain. [Mat24:24] Sa awa naman ng Diyos eh marami pa rin ang hindi nagpapauto na umanib sa mga bagong sulpot na grupong na tatag lang ng tao. Tsaka sa catholic church, wala kaming DTR na gaya ng Iglesia ni Manalo, walang fine na bente pesos kapag absent sa pagsamba, walang block voting kapag eleksyon, walang takdang abuluyan at IKAPU gaya ng mga born again at baptists, walang tig-iisang libo gaya ng grupo ni Mama Eli, walang bawal na pagkain basta tinanggap ng may pasasalamat unlike sabadista. Wala naman kasing mababasa sa bibliya na yung tunay na iglesia eh dapat may comprehensive listings ng mga miyembro. Malaya ang miyembro sa simbahang katoliko, sapagkat ayon kay San Pablo:

“Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: AT KUNG SAAN NAROROON ANG ESPIRITU NG PANGINOON, DOON AY MAY KALAYAAN.

Nasa simbahan ang Holy Spirit kasi nandun ang kalayaan.

Tsaka yung binabanggit mo about sa pagbawtismo ng bata, saan mababasa sa bibliya na bawal bawtismuhan ang bata? Eh ayon sa bibliya:

"Whoever receives one such child in my name receives me;” [Juan3:5]

Sa bawtismo, ang bata ay tinatanggap bilang kabahagi sa komunidad kristyano sa ngalan ng Diyos. Sa inyo, hinihintay nyo pa na umabot ng dose o kinse ang bata bago nyo ituring na kristyano. Napakalupit na aral naman yan.

Tsaka hindi totoo yung sinabi mo na walang evangelization sa simbahang katoliko. Active ang Post Baptismal Catechumenate na ginagawa ng NeoCatechumenal Way, may basic ecclesiastical communities o BEC, may lingguhang pagtuturo ng catechism sa mga parokya. Tsaka marami kaming missionaries na nagpapalaganap ng ebanghelyo sa iba’t-ibang panig ng mundo like Africa and middle east, sa mga war torn areas, at sa mga lugar na di pa naabot ng mga protestante. Sa kasamaang palad, yung mga protestante pumapasok lang kapag Christianized na yung lugar.

Yung sinasabi mo na maraming umaalis sa simbahan, marami rin ang bumabalik at mga de kalibre sila. Gaya nila Scott & Kimberly Hahn, Bob Sungenis, Gerry Matatics, David Currie, at kahit yung presidente ng Evangelical Theological Society na si Frank Beckwith. Talking about quality eh mga dalubhasa ang mga yan sa scriptures. They found out based from their investigation that the true church is the catholic church. Samantalang yung umaanib sa grupo nyo eh yung mga uto-utong katoliko na nadala ng mga propaganda nyo. Karamihan sa kanila walang alam kaya nauto.

Mayo 10 nang 7:22 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena “Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: AT KUNG SAAN NAROROON ANG ESPIRITU NG PANGINOON, DOON AY MAY KALAYAAN. [2Cor3:17]

Mayo 10 nang 7:25 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena Erratum:
"Whoever receives one such child in my name receives me;” [Mat18:5]

Mayo 10 nang 7:26 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Speaking of makasarili, kayo yun. Gusto nyo yung pleasures ng sex pero ayaw nyong gamitin kayo ng Diyos as instruments of bringing forth new human life kaya kung anu-anong pills at mechanical devices pinapasok at isinusuot nyo sa katawan ny...Tumingin pa

Mayo 10 nang 7:27 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Eh di inamin mo rin na hindi kayang mahinto ng RH Bill and abortion. Yung contraceptives kasi, mataas ang failure rate. So kapag pumalpak ang contraceptives na pigilan ang pagkabuo ng baby sa sinapupunan ng babae, ano back up? ABORTION. At base sa mga pag aaral, sa mga bansa na malawakan ang paggamit ng contraceptives eh mataas ang insidente ng abortion. Kaya hindi kapani-paniwala yang propaganda nyo na kapag naipasa ang RH Bill eh mahihinto ang abortion. Dadami pa kamo kasi kinu-cultivate ng RH Bill ang CONTRA-CONCEPTION o Anti Life mentality.

Mayo 10 nang 7:48 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena Renante: kayo lang ba nagbabayad ng buwis? gusto nyo ba lahat ng bininili ng gobyerno ay akma lang sa gusto ninyo?

Franz: Wala akong claim na kami lang nagbabayad ng buwis. Ang sabi ko malaking bahagdan ng buwis na nakokolekta ng gobyerno galing sa mga katoliko, hindi sa mga protestante. Kaya may karapatan kami na kwestyunin kung pano ginagasta ang aming mga buwis.

Mayo 10 nang 7:53 PM · Gustuhin

Franz Luigi Lugena Renante: Kung maraming katoliko bumibili ng condom at pills, paano mo sasabihing ayaw nila gamitin ang buwis pambili ng gobyerno?

Franz: Anong marami? Nasan datos mo? At kung meron mang katoliko na bumibili ng condom, indibidwal na desisyon nya yun. Hindi yun ang desisyon ng 85% ng populasyon ng Pilipinas na kumakatawan sa mga katoliko.

Mayo 10 nang 8:00 PM · Gustuhin

Renante Nate

Ang character ng mandaraya ay ang pagtatago ng impormasyon upang hindi ka buong makapagpasya sa iyong sarili. Yan ang character ng Catholic Church.

Ano naman ang problema kung may comprehensive listing ang miyembro na wala kayo. Hindi ba dapat meron? Paano mo masusunod ang utos ni Cristo na alagaan ang tupa at hanapin ang isang nawawala sa 99 na tupa kung wala kayong lista?

Naglitanya ka ng mga bayarin sa iba-ibang relihiyo pero kayo mas malala kasi lahat ng sacramento ninyo ay may bayad. Mula binyag hanggang libing, may bayad. Pati donasyon ng mga masasama, tinatanggap ninyo.

Ang bata ay inihahandog ng panalangin sa Diyos kagaya ng ginawa kay Cristo. Hindi sila binibinyagan. Ang bautismo ay para sa mga sumasampalataya na. Ang bata ay pinapalaki sa buhay Kristiyano ng mga magulang nila kaya sila ay kristiyano din.

Eh di patunayan nyo muna na nasa inyo ang espiritu ng Panginoon para ninyo masabi na may kalayaan kayo. Ang katotohanan ang magpapapalaya sa tao.

Ang sex ay biyaya ng panginoon hindi lang para sa panganganak ng tao. Tulad ng panlasa, pakikinig, pangdama, pang-amoy, lahat ay may mga artipisyal na at hindi lang para mabusog, makadinig, atbp.

Bakit pag nagpamisa ba sa opisina de gobyerno ay hindi nyo ninanakaw ang oras at resources ng gobyerno? Ano tawag mo doon sa representation expense na liquidated at napunta sa stipend ng pari?

May karapatan ka kuwestiyunin ang buwis na binabayad mo. Pero walang karapatan ang simbahang katoliko na panghimasukan ang buwis ninyo at magtanong na para bang ang simbahan ang nagbayad ng buwis para sa inyo. Wika nga ng iba: CATHOLIC IS NOT CBCP. Patunayan nyo muna na nagkakaisa kayo ng tinig na pare-pareho kayo ng gusto.

Bottomline: LAHAT NG SERBISYO na hinihingi ng LAHAT na sector na kailangang ibigay ng gobyerno ay kailangang ibigay. HINDI PUWEDE na pigilan ang serbisyo ng gobyerno ng dahil sa hindi tugma sa paniniwala ng iba.

1:04 PM ng Miyerkules · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

Renante: Ang character ng mandaraya ay ang pagtatago ng impormasyon upang hindi ka buong makapagpasya sa iyong sarili. Yan ang character ng Catholic Church.

Franz: Ang tunay na mandaraya, yung mga protestante na willing icompromise ang truth wag lang mawalan ng miyembro. Prior to 1930, lahat ng christian religions & denominations eh kontra sa contraceptives. Pero dahil sa pressure ng miyembro na mahilig sa contraceptive lifestyle, bumigay na rin. Sayang kasi yung abuloy. Kokonti na nga, mababawasan pa.

Tsaka speaking of nagtatago ng impormasyon, anong impormasyon ba ang tinago ng simbahan? Hindi mo kami madadaan sa mga ganyang propaganda. Kayo ang nagtatago ng impormasyon. Tinatago nyo ang contraception sa mga isyu ng maternal and post natal care, prevention of maternal deaths, etc. Kunwari concern sa kalusugan ng mga ina eh obvious naman na yung main goal nyo eh bawasan ang mga bilang ng mga Pilipino. Imagine, para mabawasan ang maternal deaths eh proposal nyo na pigilin ang pagbubuntis. Yan ba yung holistic? Kaya obvious na population control ang motive nyo. Tapos tini-trivialized mo yung contraception issue, komo nitpicking daw, etc. Pero nandun nga problema sa RH Bill eh. Iniiwasan mong tingnan. Walang pinag iba yang istilo nyong yan sa salamangkero na nililihis ang atensyon ng mga manonood para makagawa ng “magic”.

Renante: Ano naman ang problema kung may comprehensive listing ang miyembro na wala kayo. Hindi ba dapat meron? Paano mo masusunod ang utos ni Cristo na alagaan ang tupa at hanapin ang isang nawawala sa 99 na tupa kung wala kayong lista?

Franz: Malaki problema mo kasi nagre-require ka ng isang bagay na dapat taglay ng tunay na iglesia eh yung requirement mo wala naman sa bibliya. Hanggang ngayon nga wala ka namang binigay na talata mula sa bibliya na nagsasabi na mandatory ang comprehensive listing sa iglesia. Meron ba? Wala naman eh.

Tsaka di uubra misinformation mo kasi may listings din kami. Pero sa dami namin hindi talaga makakagawa ng comprehensive listings. Eto kasi sabi ng bibliya sa mga alagad ng Diyos na sure na sure akong mga katoliko:

"Pagkatapos nito'y nakita ko ang NAPAKARAMING TAONG DI KAYANG BILANGIN NINUMAN! SILA'Y MULA SA BAWAT BANSA, LAHI, BAYAN AT WIKA. Nakatayo silasa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti AT MAY HAWAK NA PALASPAS. [Rev7:9]

Nabasa mo, Renante? Yung mga lingkod ng Diyos na kumakatawan sa mga maliligtas eh DI KAYANG BILANGIN NINUMAN. Kung hindi kayang bilangin eh pano ka makakagawa ng comprehensive listings nyan? At sure ako na katoliko pinatutungkulan ng perikopa kasi buhat daw yung mga maliligtas sa BAWAT BANSA, LAHI, BAYAN AT WIKA. Eh katolikong-katoliko eh. Imposible namang sekta mo pinatutungkulan eh kokonti kayo at bilang na bilang. At isa pang patunay na katoliko sila kasi may hawak daw silang mga PALASPAS. Eh katoliko may palaspas eh. Wala namang palaspas mga protestanteng gaya mo.

Tsaka yung argumento mo na dapat may comprehensive listings ang isang simbahan para masunod aral ni Cristo na alagaan ang tupa eh mali. Kasi yung listings eh dokumento lang, at hindi komo may listing eh inaalagaan mo nga yung mga tupa. Iba yung pagkakaroon ng listings sa aktwal na pag aalaga ng tupa.

12:57 AM ng Huwebes · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

RENANTE: Ang bata ay inihahandog ng panalangin sa Diyos kagaya ng ginawa kay Cristo. Hindi sila binibinyagan. Ang bautismo ay para sa mga sumasampalataya na. Ang bata ay pinapalaki sa buhay Kristiyano ng mga magulang nila kaya sila ay kristiyano din.

FRANZ: Aba kung ganyan rason mo eh bakit nyo binabawtismuhan yung bata ng edad kinse o dose? Dapat hintayin nyong umabot ng trenta yung bata kasi sa mga ganung edad binawtismuhan si Cristo eh. At dapat hindi sa swimming pool o hot spring nyo bawtismuhan, dapat sa ilog kasi sa ilog binawtismuhan si Cristo eh.

Tsaka saang talata mababasa na bawal bawtismuhan yung bata? May talata ka bang maipapakita para suportahan yang mga sinasabi mo? At pano mo masasabing kristyano yung bata eh hindi nga nabinyagan?

Maraming instansya sa bibliya ng pagbabawtismo ng buong sangbahayan:

“And when she was baptized, with her household, she besought us, saying, "If you have judged me to be faithful to the Lord, come to my house and stay." And she prevailed upon us.” [Acts16:15]

“And he took them the same hour of the night, and washed their wounds, and he was baptized at once, with all his family.” [Acts16:33]

“(I did baptize also the household of Steph'anas. Beyond that, I do not know whether I baptized any one else.)” [1Cor1:16]

Ang alam ko, yung bata ay bahagi ng pamilya o sangbahayan. Wala namang sinabi sa mga talata na binawtismuhan ang buong sangbahayan maliban sa mga sanggol at bata. May sinabi bang ganun? Wala naman eh. Ang sabi binawtismuhan ang buong sangbahayan o pamilya. At dahil kasama ang sanggol at bata sa pamilya, obvious na kasamang binawtismuhan ang mga sanggol/bata.

1:05 AM ng Huwebes · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

RENANTE: Eh di patunayan nyo muna na nasa inyo ang espiritu ng Panginoon para ninyo masabi na may kalayaan kayo. Ang katotohanan ang magpapapalaya sa tao.

FRANZ: Nasa amin ang Espiritu ng Panginoon kaya nga malaya kami eh. Ang simbahan ay nagtuturo pero may kalayaan ang miyembro kung susunod o hindi. Walang pilitan, walang mga bawal na pagkain, block voting, takdang abuluyan at IKAPU.

RENANTE: Ang sex ay biyaya ng panginoon hindi lang para sa panganganak ng tao. Tulad ng panlasa, pakikinig, pangdama, pang-amoy, lahat ay may mga artipisyal na at hindi lang para mabusog, makadinig, atbp.

FRANZ: Ang sex ay biyaya na pinagkaloob sa tao upang sa pamamagitan ng pagmamahalan ng mag asawa ay maging partner sila ng Diyos sa paglikha ng panibagong buhay. Dahil dito, ang sex ay sagrado. Ang gamitin ang sex labas sa intensyon ng nagdesenyo nito upang makuha lamang ang sarap na dulot nito at iwasan ang responsiblidad na kaakibat ay mali at immoral.

At tsaka walang problema sa artipisyal na paraan na naimbento ngayon para mabusog at makapakinig, sapagkat nakapagpapabuti yun sa buhay ng mga taong may kapansanan o walang sapat na kakayahan na mabusog at makapakinig sa normal na paraan. Pero yung gumamit ka ng mga mechanical devices o synthetic drugs para baguhin ang natural proseso ng katawan ng mga normal namang tao sa layunin na patuloy na makapag enjoy sa sarap ng sex at maiwasan ang panganganak ay mali. Pagkamakasarili at karuwagan ang mga pagpapahalagang pino-promote ng artificial contraception na essential na parte ng RH Bill kaya kami kontra dyan.

Tsaka ano ang garantiya ng RH Bill na yung condom na bibilhin gamit ang tax namin eh hindi gagamitin sa mga kabit at sa mga prostitute? May garantiya ba? Eh kung hindi kami aalma, baka lumabas pa na agree kami sa mga ginagawa ng mga imoral at condomists na yan.

1:08 AM ng Huwebes · Gustuhin

Franz Luigi Lugena

RENANTE: Bakit pag nagpamisa ba sa opisina de gobyerno ay hindi nyo ninanakaw ang oras at resources ng gobyerno? Ano tawag mo doon sa representation expense na liquidated at napunta sa stipend ng pari?

FRANZ: At bakit? Prinuwersa ba ng simbahan ang mga kawani ng gobyerno na magsagawa ng misa sa mga opisina nila? Kung meron mang misa eto ay dahil INIIMBITAHAN ang mga pari namin. At bilang tapat na lingkod ng Diyos, syempre tutugon ang mga pari namin alinsunod sa turo ni San Pablo na “ipangaral ang salita ng Diyos whether in season or out of season.” [2Tim4:2] Yung pagsasagawa ng misa sa mga opisina ng gobyerno ay MALAYANG DESISYON ng mga kawani sa layon na magpasalamat sa Diyos. Hindi naman buong araw ni araw-araw ginagawa ang misa. At hindi naman buong 8 hrs eh literal na nagtatrabaho ka. Nakakapag FB ka pa nga kahit working hours eh. In a sense, pagnanakaw din yan ng oras at resources ng gobyerno.

Patungkol dun sa stipend ng pari, donasyon yun na malayang binibigay nung mga kawani. At kadalasan eh sa sariling pera nila galing yun. Kung yun man ay ipalabas na representation expense, malabong pagnanakaw yun kasi donasyon nga. Yung donasyon ng gobyerno hindi nakaw yun.

Tsaka kung kumbinsido ka talaga na nagnanakaw ng oras at resources ng gobyerno ang simbahan, katungkulan mo na isuplong yan sa kinauukulan. Tingnan natin kung may lokong pumatol sayo. Tingnan natin kung mapapatunayan mo sa proper venue na pagnanakaw nga yun. I dare you to do that. Tingnan natin.

Maidagdag ko lang dun sa akusasyon mo na kesyo nagnanakaw ng oras at resources ng gobyerno ang simbahan, bakit nakikinabang ka naman sa mga benefits na may kaugnayan sa simbahang katoliko, like christmas vacation, holy week vacation, Christmas bonus, etc. Aba, kung consistent ka sa posisyon mo eh pumapasok ka dapat sa trabaho kahit pasko, undas at mahal na araw. Dapat di mo tinatanggap yung christmas bonus nyo dahil may kaugnayan yan sa simbahang katoliko na ayon sayo eh magnanakaw ng oras at resources ng gobyerno. Maging consistent lang sana. Nahahalata tuloy kung sino ang mga hipokrito eh.

RENANTE: May karapatan ka kuwestiyunin ang buwis na binabayad mo. Pero walang karapatan ang simbahang katoliko na panghimasukan ang buwis ninyo at magtanong na para bang ang simbahan ang nagbayad ng buwis para sa inyo. Wika nga ng iba: CATHOLIC IS NOT CBCP. Patunayan nyo muna na nagkakaisa kayo ng tinig na pare-pareho kayo ng gusto.

FRANZ: Talagang may karapatan kaming mga katoliko na kwestyunin kung pano ginagasta ang buwis na binabayad namin, lalo pa’t malaking bahagdan ng kaban ng bayan eh galing samin. At hindi kami makapapayag na yung buwis namin eh gagastahin ng gobyerno sa mga bagay na salungat sa aming pananampalataya.

Ang simbahang katoliko eh may political credibility unlike sa Iglesia ni Manalo at mga born again na sumuporta kay Marcos nung EDSA. Kung hindi nakialam ang simbahan sa imoral at mandarayang rehimen, wala pa rin sanang demokrasya sa bansa. Ang mga pari namin eh mga mamamayan din ng Pilipinas at may mga political rights din. May karapatan silang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa pamahalaan lalo pa’t kung eto ay nagsusulong ng mga polisiya at programang nakakaapekto ng masama sa values ng pamilyang Pilipino.

Tsaka ang simbahan ay binubuo ng maraming tao buhat sa iba’t-ibang lugar at estado ng buhay kaya natural na mayroong diversity of opinions. Kahit saang organisasyon eh merong iba’t-ibang pananaw sa bawat isyu ang mga miyembro pero meron silang official view/stand. Same with the Catholic Church, bagamat may diversity, meron kaming OFFICIAL STAND at yun ang mangingibabaw.

RENANTE: Bottomline: LAHAT NG SERBISYO na hinihingi ng LAHAT na sector na kailangang ibigay ng gobyerno ay kailangang ibigay. HINDI PUWEDE na pigilan ang serbisyo ng gobyerno ng dahil sa hindi tugma sa paniniwala ng iba.

FRANZ: Hindi lahat ng hinihinging serbisyo sa gobyerno ay kailangang ibigay. Kailangang timbangin kung makatarungan bang gamitin ang pondo ng bayan para ibili ng mga condoms at pills para sa mga tao na gusto lang makipagsex pero ayaw ng responsibilidad, sa rason na sagabal ang bata, ayaw masira ang korte ng katawan, at kung anu-ano pang kamunduhan.

1:11 AM ng Huwebes · Gustuhin

No comments:

Post a Comment