The Baptism of the Lord
Father tanong ko lang po, yung sinasabi po ng Pentecostals na baptism in
the name of Jesus only, biblical po ba iyon at paano ko ba po
irerespond ang mga sinasabi ng Pentecostals na si Jesus po ang Ama, Anak
at Espiritu Santo? Thank you and God bless!
DEAR JUAN CARLO,
[Father tanong ko lang po, yung sinasabi po ng Pentecostals na baptism in the name of Jesus only,biblical po ba iyon]
ANG TALATANG GINAGAMIT NG MGA PENTECOSTAL PARA SA CLAIM NILANG IYAN AY ITO:
Act
2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo
ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng
inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
SA TALATANG IYAN ANG PUNTO NI SAN PEDRO AY DAPAT MAGPABAUTISMO
ANG MGA NAIS MAPATAWAD SA KANILANG MGA KASALANAN O UPANG MALIGTAS.
SUBALIT ANG OPISYAL AT TAMANG PAMAMARAAN NG PAGBIBINYAG AY HINDI GALING
KAY SAN PEDRO KUNDI SA PANGINOONG JESUCRISTO MISMO. ITO PO ANG BIBLICAL
FOUNDATION NG CATHOLIC BAPTISM:
Mat 28:18 At lumapit si Jesus sa
kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng
kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
Mat
28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang
lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at
ng Anak at ng Espiritu Santo:
Mat 28:20 Na ituro ninyo sa
kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo:
at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan.
AYAN. MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW NA TRINITARIAN
FORMULA ANG PINAGAGAMIT NI JESUS SA ATIN SA PAGBIBINYAG. SIEMPRE MAS MAY
AWTORIDAD SI JESUS KESA KAY ST. PETER. HINDI MALI SI ST. PETER,
TINUTURO LAMANG NIYA NA ANG MGA GUSTONG MAGING CRISTIANO AY DAPAT
MAGPABINYAG SUBALIT DAPAT NATING SUNDIN ANG FORMULA NA BINIGAY NI JESUS.
KAYA MAS TAMA ANG CATHOLIC FORMULA OF BAPTISM KESA SA MGA PENTECOSTAL.
[at
paano ko ba po irerespond ang mga sinasabi ng Pentecostals na si Jesus
po ang Ama, Anak at Espiritu Santo? Thank you and God bless!]
ANG
SABI NI JESUS "AKO AT ANG AMA AY IISA" [JOHN 10:30] AT ANG ESPIRITO
SANTO AY TINATAWAG NA "THE SPIRIT OF CHRIST" [1 PETER 1:11]. SUBALIT
MALINAW DIN NA ANG TATLONG ITO AY MERONG DISTINCTIONS. HALIMBAWA ANG
ANAK AY NAKIKIPAG-USAP SA AMA TULAD NG SA DASAL NA "OUR FATHER" [MATTHEW
6:10ff.] GAYON DIN SA KANYANG LAST SUPPER DISCOURSE [JOHN 17:5] AT
PINANGAKO NI JESUS NA ISUSUGO NIYA ANG ESPIRITO SANTO NA MAGMUMULA SA
AMA [JOHN 15:26].
KITANG KITA NA BAGAMAT SILA AY MAY PAGKAKAISA MERON DING DISTINCTIONS.
ANG
TURO NG SANTA IGLESIA: SILA AY NAGKAKAISA SA SUBSTANCIA O SA PAGKADIOS.
SUBALIT MAY PAGKAKAIBA BILANG MGA PERSONA O ANG TINATAWAG NA
'DISTINCTION OF PERSONS'. ONE IN ESSENCE BUT DIFFERENT IN PERSONS.
KAYA MAS TAMA ANG ARAL NG IGLESIA CATOLICA SA TRINITY KESA SA TURO NG PENTECOSTAL NA KAUSAP MO.
No comments:
Post a Comment