-
father, this may seems to be irrelevant to the topic pero i just wanna ask, bakit po nilagay pa ni God ung tree of Wisdom sa garden of eden? Para po ba magkaroon ng kasalanan sila Adan at Eba? Di ba po, kung sakali po na wala yung tree of wisdom na yun, edi sana, masaya ang buhay nila adan at eba ngayon at wala sanang disappointments si Lord sa tao? In short po, it would be better sana kung wala nalang yung tree of wisdom sa garden of eden di ba po? Alam ko po father na you are not God to know evrything about His plan or objective in putting the tree of wisdom in the garden of eden pero bilang mas may knowledge po kayo about God's words kaya po I decided na sa inyo po magtanong.
Alam ko po father na busy po kayo ngayon dahil po semana santa kaya po ayos lng po kung di niyo po ito masasagot agad ! Godbless po father !!!
-
[father, this may seems to be irrelevant to the topic pero i just wanna ask,]
ITS ALRIGHT CHESTER.
[bakit po nilagay pa ni God ung tree of Wisdom sa garden of eden?]
SIEMPRE PARA MAY WISDOM TAYO. KAILANGAN NATIN NG KARUNUNGAN NA NAGMUMULA SA DIOS.
[Para po ba magkaroon ng kasalanan sila Adan at Eba?]
HINDI. LAHAT NG BAGAY NA NILIKHA NG DIOS AY MABUTI KAYA IYON AY PARA SA KABUTIHAN. IPINAGBAWAL IYON NG DIOS KASI HINDI PA PANAHON PARA IBIGAY YON SA KANILA. SUBALIT ANG FULL KNOWLEDGE AY IBIBIGAY SA KANILA NG PANGINOON KUNG TAPAT SILA.
[Di ba po, kung sakali po na wala yung tree of wisdom na yun, edi sana, masaya ang buhay nila adan at eba ngayon at wala sanang disappointments si Lord sa tao? In short po, it would be better sana kung wala nalang yung tree of wisdom sa garden of eden di ba po?]
HA HA HA... PARANG OK ANG RASON NA IYAN SUBALIT KUNG ITO AY ATING PAG-IISIPAN ITO AY MALI, PALPAK, MABABAW AT SALUNGAT SA KATOTOHANAN.
HALIMBAWA, ANG MGA TAO MAHILIG SA GOSSIPS OR CHISMIS. MAS MABUTI BA NA HINDI NA NILIKHA NG DIOS ANG BIBIG NATIN O ANG ATING DILA? KUNG WALANG BIBIG O DILA PANO TAYO MAKAKAPAGSALITA? PANO TAYO MAKAPAGSASABI NG MABUTI O MAKAPAGPUPURI SA DIOS O MAKAPANGANGARAL NG EVANGELIO? WAG MONG TIGNAN NA PINAGMULAN NG KASALANAN ANG BIBIG KUNDI ANG ISIP AT PUSO NG TAO. GAYON DIN NAMAN HINDI MO DAPAT ISISI SA TREE OF WISDOM ANG FIRST SIN KUNDI KAY EVA AT KAY ADAN. ANG SOURCE OF SIN AY ANG KANILANG PRIDE AND DISOBEDIENCE.
MAY KAKILALA AKO NA NAGSABI: PARA WALA NANG ADULTERY DAPAT PUTULAN NG ARI ANG MGA LALAKI. HE HE HE... IKAW PAPAYAG KA BA? GUSTO MO BA NA PARA HINDI KA MAGKASALA NG ADULTERY E SANA GINAWA KA NG DIOS NA ALANG MASCULINE GENITAL? HE HE HE...
BINIGAY YAN SAYO NG DIOS PARA SA KABUTIHAN: FOR YOU TO URINATE AND TO PROCREATE WITH YOUR WIFE. PERO HINDI MO DAPAT GAMITIN YAN PARA SA IYONG KABIT. AT PAG NAGCOMMIT KA NG ADULTERY HINDI DAPAT ISISI YON SA IYONG ARI KUNDI SA IYONG ISIP AT PUSO DAHIL IKAW ANG NAGDESISYONG MAGKASALA. ANG IYONG KASARIAN AY INSTRUMENTO LAMAN NG IYONG MALAYANG PAGDEDESISYON.
ANG ROOT OF THE FIRST SIN AY SINA ADAN AT EVA, HINDI ANG PUNO. KAYA HINDI DAPAT ISISI IYON SA TREE OF WISDOM. HE HE HE...
[Alam ko po father na you are not God to know evrything about His plan or objective in putting the tree of wisdom in the garden of eden pero bilang mas may knowledge po kayo about God's words kaya po I decided na sa inyo po magtanong.]
THANK YOU. SALAMAT NAMAN AT ALAM MO NA HINDI AKO DIOS. HA HA HA...
[Alam ko po father na busy po kayo ngayon dahil po semana santa kaya po ayos lng po kung di niyo po ito masasagot agad !]
OO NGA CHESTER, VERY LATE NA NGA ANG SAGOT KO PERO AT LEAST ETO NA ANG SAGOT. BETTER LATE THAN NEVER. HE HE HE...
[Godbless po father !!!]
GOD BLESS YOU TOO.
P.S. ANOTHER EXAMPLE CHESTER AY ANG BANK ROBBERY. KAPAG ANG BANK AY NINAKAWAN NG MGA ROBBERS, HINDI NATIN SISISIHIN ANG BANK OFFICIALS: "KAYO KASI E NAGTAYO PA KAYO NG BANK NYO RITO. KUNG WALANG BANK DITO E DI WALA SANANG ROBBERY. HE HE HE... KUNG HINDI KAYO TUMATANGGAP NG PERA DITO SA BANK NA ITO E DI HINDI SANA KAYO PAPASUKIN NG MASASAMANG LOOB." HA HA HA... NAKAKATAWA DI BA? HINDI ANG BANKO ANG SISISIHIN KUNDI ANG PUSO AT ISIP NG MGA MAGNANAKAW NA PINILING GUMAWA NG MASAMA KESA GUMAWA NG MABUTI.
No comments:
Post a Comment