may naka-pagsabi po sa akin na ang kamanyang ay ginagamit kung nag--tatawag daw po ng mga ispiritu tapos yung daw pong insenso lng ang ang ay nag-papaalis daw po ng bad ispirit ;ano po ba dapat talaga kc nag-iinsenso po ako dito sa bahay namin ngayon po hnd ko na po nilalagayan ng kamanyang dahil natakot po ako !!!
-
ANG KAMANGYAN AY HINDI MASAMA AT HINDI NAGTATAWAG NG MGA MASAMANG ESPIRITO. ITO AY ISANG BANAL NA BAGAY NA INIUTOS NG DIOS KAY MOISES NA DAPAT GAMITIN SA SANCTUARIO:
Exodo 30:34 [Ang Biblia]
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na KAMANGYAN: na magkakaisa ng timbang...
AYAN, DIOS NGA MISMO ANG NAGPAPADALA NG KAMANGYAN. DAHIL DIOS ANG MAY GUSTO NG KAMANGYAN KAYA AYAW NG MGA DEMONIO AT MASAMANG ESPIRITO SA KAMANGYAN.
ANG ANG KAMANGYAN AY ISA SA MGA REGALONG IBINIGAY SA PANGINOONG JESUS NOONG SIYA AY ISILANG. TANDA NA ANG PANGINOONG JESUS AY DIOS:
Mateo 2:11 [Ang Biblia]
At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at KAMANGYAN at mira.
KAYA TAYONG MGA CATOLICO AY NAG-AALAY NG KAMANGYAN PARA SA DIOS AT SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.
KAHIT NA ANG MGA HAING HANDOG SA DAMBANA AY DAPAT LAGYAN HINDI LANG NG INSENSO PATI NG KAMANGYAN. KAYA NGA MAY INSENSO AT KAMANGYAN SA ATING MGA MISA:
Leviticus 2:1 [Ang Biblia]
At pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng KAMANGYAN.
No comments:
Post a Comment