Hello Fr. Abe here is my story this is Randel Paul comment from ur article entitled:
Actually hindi lang po ako dito nainspired kundi sa iba pa ring mga catholic blogs.
Nagsimula po ang interest ko sa religion noong college ako noong mga panahon na halos isuko ko na ang pananampalatayng Katoliko dahil dumating po yung panahon sa akin na halos HINDI ko na sya kayang IPANGTANGOL laban sa mga mapanirang aral ng INC. May isa po kasi akong kapatid na lalake na dati ay wala po talagang interest sa Relihiyon pero noong makapag asawa po sya ng isang member ng INC nagpaconvert po sya dahil hindi po sila pwedeng ikasal sa INC. dahil nga po sa walang interest sa pananampalatayang Katoliko ay nagpaconvert po sya sa INC at doon nagsimula ang pagkakawatak watak namin bilang isang Catholic family,
dahil po sa wala kaming alam sa pananampalatayang katoliko ay wala po kaming nagawa at magawa tuwing aaralan kami ni kuya ko at babasahan ng Linya sa BIBLIYA kundi ang sumangayon dito sa paniniwalang tama ang interpretasyon at konklusyon nila sa mga sinasabi doon.
palage ko pong ipinagtatangol ang Catholic sa kanya pero lage din po akong natatalo sa mga diskusyon namin dahil hindi ko po majustify ang mga statement ko sa bible dahil i perosnally dont know what verse ito. kaya habang tumatagal po, nagkakaroon na ng doublt ang iba ko pang mga kapatid at nagpasya po silang magpadoktrina na sa INC na lalo namang nakapag pa lakas ng pwersa ng INC sa amin dahil mas nadagdagan pa ang nakakadiskusyon ko sa mga kapatid ko..
wala po akong magawa noong kundi ang huwag maniwala sa kanila, na animoy ako talaga ang mali at sila ang tama BITTER kumabaga ganun po palage ang kinalalabasan ng aming mga diskusyon, ako ang talo at sila ang panalo, at sa bandang huli ay iimbitahan nila ako na magpadoktrina na sa kanila..
dahil nga po sa ganyang mga pagkakataon at dahil narin sa pangungulit ng mga kapatid ko ay nagpasya ako na subukan ngang magpadoktrina sa kanila pero humingi ako ng time para makapag
isip, dahil mahaba po pala ang proseso bago ka maging member nila, as far as i know i need to undergo doctrinal studies for 6 months.
Kinahiligan ko po kasi ang magsagot ng crossword puzzle sa diyaryo kaya minsan ay bumibili ako ng diyaryo hidi upang magbasa ng balita kundi magsagot ng crossword puzzle at doon ko po nakilala si Mr. Cenon Bibe Jr. isang araw po noong bumili ako ng tabloid kung saan sya regular na nagsususlat ay napansin ko sa headline ang article nya na tumbukin natin: Hesus hindi Diyos? naging interesado po ako doon at nalaman ko na isa pala yung catholic apologetic, at doon po nagsimula ang paghahanap ko sa KATOTOHANAN sa likod ng KATOLIKO,
kung tatanungin nyo po ako kung natuloy ba ang pagpapadoktrina ko?
Im proud to say HINDI po. HINDI ko na po itinuloy ang pagpapadoktrina ko, at sa halip ay mas lalo ko pang pinag ibayo ang
pagtuklas sa aral ng KATOLIKO at hindi ko man kaagad nakuha ang lahat ng sagot e unti unting naunawaan ko naman ang mga aral natin kung hindi man lahat at least sapat na po para hindi hindi ituloy ang aking pagpapadoktrina. sinabi ko po sa aking mga kapatid na hindi na ako magpapadoktrina kaya muli ay inaralan na naman po nila ako pero sa pagkakataon pong iyon ay hindi na ako talo sa diskusyon namin, may mga tanong pa din po sila sa akin na hindi ko majustify at masagot minsan pero 1 out of 10 na lang.
hagang sa isang araw po ay nag anounce si Mr. Cenon Bibe ng tungkol sa Defensores Fidei Foundation. way back 2008 i think sa my Green Hills po noong ung vinue kung san yung seminar at doon
ko po nakilala sila Atty. Marwil Llasos, na talagang hinangaan ko sa
galing sa aral Catholic at doon ko din po IKAW nakilala as
far as i know tungkol po sa SCRAMENTS ang Topic nyo, at simula din po
noon ay naging regular nyo na po akong reader dito sa blog nyo, i was able to substantiate almost all of my statment regarding catholic doctrines. at dahil po sa inyo at sa blog mo ay napigilan ko pong magpaconvert ang iba ko pang mga kapatid, sa kasalukuyan po ay dalawa po sa mga kapatid ko
(seven po kami) ang hindi na bumalik sa Catholic dahil INC po ang mga
asawa nila pero hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa na
makikita pa rin nila ang tamang daan na matatagpuan lamang sa Catholic
Church(acts 9:31).
Lubos po akong nagpapasalamat unang una sa Diyos na sa aking palagay ay sinadyan nyang mapansin ko ang article ni Brother Cenon sa TUMBUK para hindi ko ituloy ang pagpapadoktrina sa INC at sa inyo Fr. Abe ganun din po kay na Brother Mars at Brother Cenon Bibe. Maraming maraming salamat po.
Nawa po ay huwag kayong magsawang ipalaganap ang ating aral sa
ganitong paraan na lahat ay nakaka access lahat ay pwedeng makabasa.
May the Holy God the Father, Son and the Holy Spirit always Bless you as you defend our Catholic faith. :D
-Randel Paul
No comments:
Post a Comment