Friday, June 10, 2011

KATANUNGAN TUNGKOL SA 'TABULA RASA' PHILOSOPHY NI JOHN LOCKE





St. Augustine, Bishop and Doctor of the Church


 


 

 

Anonymous
said...



Good Evening po Father,

Matanong ko lamang po, ano po ba ang
stand ng church against sa bagay na ito, tinatanong po kasi ako ng
philosophy teacher ko, kung maaari po kasi sana eh ang isagot ko eh
catolic teachings po.

Si John Locke po kasi isang philosopher
sabi nya po eh ang mind raw po ng tao ng nabuhay siya ay buo na ngunit
empty sheet " tabula rasa " kumbaga raw po , as experience something we
learn it. Pero may mga ibang philosopher naman po na claim na noong
pagkapanganak pa lamang po ng tao eh may wisdom na itong taglay.


Kung medyo magulo po ang tanong ko father paki unawa na lamang
po , pero siguro naman po na gets nyo po ang question ko.

Salamat po father in advance. God Bless po sa inyo! 





St. Thomas Aquinas, Priest and Doctor of the Church


 











Fr. Abe, CRS
said...



[Matanong ko lamang po, ano po ba ang stand ng church against sa bagay
na ito, tinatanong po kasi ako ng philosophy teacher ko, kung maaari po
kasi sana eh ang isagot ko eh catolic teachings po.]

DEAR
ANONYMOUS, ANG IYONG ITINATANONG AY TUNGKOL SA ISANG PHILOSOPHICAL
OPINION. ANG SANTA IGLESIA AY NAPAKA-CAREFUL SA PAGTANGGAP O PAG-REJECT
NG ISANG PHILOSOPHICAL THOUGHT. LAGI MUNA NIYANG TINITIGNAN NG MABUTI
ANG IDEA AT TINATANGGAP ANG MGA ASPECTS NA COMPATIBLE WITH THE CHRISTIAN
FAITH AND WE REJECT NAMAN ANG MGA CONTRADICTORY O SALUNGAT SA FAITH.


[Si
John Locke po kasi isang philosopher sabi nya po eh ang mind raw po ng
tao ng nabuhay siya ay buo na ngunit empty sheet " tabula rasa " kumbaga
raw po , as experience something we learn it. Pero may mga ibang
philosopher naman po na claim na noong pagkapanganak pa lamang po ng tao
eh may wisdom na itong taglay.]

ANG TABULA RASA NI JOHN LOCKE AY
NAKABASE SA PHILOSOPHY NI ARISTOTLE NA SIYA NAMANG SINUNDAN NI ST.
THOMAS AQUINAS. HINDI NIREJECT NI ST. THOMAS ANG TABULA RASA KASI PARA
SA KANYA ANG HUMAN KNOWLEDGE AY PUMAPASOK SA ISIP NG TAO GALING SA
MATERIAL THINGS OF THESE WORLD SA PAMAMAGITAN NG ATING MGA SENSES:
SEEING, HEARING, SMELLING, TOUCHING, ETC. YUNG FORMULA NA "NOTHING IS IN
THE INTELLECT UNLESS IT PASSES THROUGH THE SENSES". KAYA KUNG HINDI PA
NATIN NAKITA, NARINIG O NAAMOY ANG ISANG BAGAY E HINDI PA NATIN ITO
ALAM.


HINDI TINUTULAN ITO NG SANTA IGLESIA SUBALIT HINDI NAMAN NAG DECLARE NA ITO LANG ANG TAMA AT MALI NA ANG IBA.

KUNG ATING TITIGNAN KASI ANG HUMAN DEVELOPMENT UNA ANG BATA AY WALANG ALAM SUBALIT THROUGH STUDIES AND EXPERIENCE MATUTUTO SIYA.

ANG
PHILOSOPHY NAMAN NI PLATO AY IBA KAY ARISTOTLE. PARA SA KANYA ANG SOUL
NG TAO AY NAG-E EXIST NA BAGO PA NABUO ANG ATING KATAWAN. ANG SOUL NA
ITO NA NASA WORLD OF IDEAS AY PERFECT AT NAGTATAGLAY NA NG KAALAMAN.
SUBALIT NG ANG SOUL NG TAO AY NA-IMPRISONED SA ATING KATAWAN NAGING
LIMITED ANG KNOWLEDGE NG SOUL. NAKALIMUTAN NITO ANG MARAMI NIYANG
KAALAMAN. SUBALIT ANG MGA KAALAMANG IYON AY HINDI NAWALA O NABURA. IYON
AY NASA SOUL PA RIN. KAILANGAN LAMANG NG PRACTICE OF PHILSOPHY PARA ITO
AY MA 'REMEMBER' NG SOUL.


ANG PLATONIC PHILOSOPHY AY
NAG-INFLUENCE NAMAN KAY ST. AUGUSTINE AT KAY ST. BONAVENTURE. SI ST.
AUGUSTINE AT ST. THOMAS AQUINAS ARE CONSIDERED AS TWO OF THE BEST OR
GREATEST PHILOSOPHERS OF THE CATHOLIC CHURCH. WHILE ST. THOMAS AQUINAS
AND ST. BONAVENTURE WERE VERY GOOD FRIENDS NAMAN AT CLASSMATE SILA UNDER
ST. ALBERT THE GREAT.


HINDI NAMAN TINANGGAP NI ST. AUGUSTINE AT
ST. BONAVENTURE NG BUONG BUO ANG PLATONIC PHILOSOPHY. HINDI NILA TINURO
NA ANG BODY AY EVIL AT PRISON OF THE SOUL. SUBALIT NAKITA NILA DITO ANG COMPATIBILITY SA MAGAGANDANG ARAL NG SANTA IGLESIA NA
BAGO PA NILIKHA ANG TAO ITO AY NAG-EXIST NA IN THE MIND OF GOD AT
INIHANDA NA ITO NG DIOS BILANG KANYANG LARAWAN AT WANGIS. ANG TAO AY
PINAGKALOOBAN NA NG ESPIRITU NG DIOS MULA PAGKABATA KAYA ITO AY MAYROON
NANG KAALAMAN NA GALING SA MAYKAPAL.


ANG PRACTICAL APPLICATION
NAMAN NITO. MAY MGA ALAM ANG TAO NA KAHIT NA HINDI PA NIYA NAPAG-ARALAN O
NAKITA AY  TAGLAY NA NIYA. TULAD NG LONGING FOR GOD, SEARCH FOR HAPPINESS,
RECOGNITION OF THE ONE, TRUE, GOOD AND BEAUTIFUL. INNATE KNOWLEDGE OF
LOVE, GOOD AND OTHERS.


IN SHORT, ANG DALAWANG PHILOSOPHY NA IYAN
AY PAREHONG MAY LIMITATIONS AT PAREHO RING MAY POSITIVE POINTS. THE
CHURCH ACCEPTED THE POSITIVE POINTS SA BAWAT ISA.


 


[Kung medyo magulo po ang tanong ko father paki unawa na lamang po , pero siguro naman po na gets nyo po ang question ko.]

SANA NGA NA GETS KO. HE HE HE... AND I HOPE NAKATULONG ITONG EXPLANATION KO. PASENSIYA KA NA. HE HE HE...

[Salamat po father in advance. God Bless po sa inyo!]

WELCOME AND GOD BLESS YOU TOO. 





No comments:

Post a Comment