Sunday, August 14, 2011

AN INSPIRING MESSAGE FROM MICHAEL SUICO




The Dome of St. Peter Basilica, interior


 


 


Hello po fr. ABE! Sumainyo ang Panginoon! Ako po si Michael Suico,20yrs
old at isa po akong katoliko. Nagpapasalamat po ako sa blog niyo dahil
napaka-helpful po nito para sa isang katulad kong katoliko na hindi
masyadong marunong magdefend ng Catholic Faith.


Una po akong
naging matanong about my faith nung 2nd year college na po ako kasi dun
nagsulputan ang iba-ibang sektang nangangaral sa akin. Kesyo sumasamba
daw po tayo sa rebulto,kumakain ng dugo,bakit daw tinuturing na Dios si
Kristo etc. Simula po noon umattend na ako sa mga gatherings
nila(INC,Jehova’s witnesses at mga born again Christians) dun ko po
naranasan ang mga masasakit nilang parating sa ating pananampalataya
kaya’t sinubukan ko pong ipagtanggol ang pananampalatayang katoliko.
Marami po akong mga pages na sinalihan tulad ng katolikong pinoy at ung
fan page po ni Bp.. Chito Tagle at doon po ako natuto ng ilang paraan on
how to defend our faith. I downloaded apologetics materials at hanggang
sa natagpuan ko nga po yung blog nyo at ung kay cenon bib. Grabe father
Abe astig! Dito po ako mas natuto kasi talagang sinasagot nyo po detail
by detail ang lahat ng katanungan.hehe..


Gusto ko lang pong
sabihin na maraming maraming maraming salamat po dahil natagpuan ko ang
isang pari na very accommodating pagdating sa ganitong bagay kasi
usually po behave lang ang mga kaparian e.hehe.. Pangarap kop o na
maging kasing-galing nyo fr Abe! Kumbaga sa mga naglalaro ng dota, IMBA
ka father!hehe.. ayun lang po. Ang wish kop o ay good health para sa
inyo at siyempre sana patuloy po kayong gabayan ng BANAL NA ESPIRITU
SANTO!


SOLI DEO GLORIA!

No comments:

Post a Comment