Sunday, August 14, 2011

Pagsawata kay Nate 3



[Tunghayan po natin kung pano naipit si Nate sa diskusyon. Puro iwas na lang ang ginawa. Link: http://www.facebook.com/umagangkayganda2/posts/260197610660088]





Renante Nate:


Ang
Amain Namin



Amain naming sumasakumbento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang
kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo
kami ngayon nang aming kaning iyon inaraw-araw at patawanin mo kami sa iyong
pag-ungal para nang pag papatawa mo kung kami nakukuwaltahan; at huwag mo
kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.



Ang Aba Ginoong Barya



Aba ginoong Barya nakapupuno ka nang alkansya ang Fraile’I sumasainyo bukod ka
niyang pinagpala’t pina higit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.
Santa Barya Ina nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at
kami ipapatay. Siya naua...





Agosto 09 nang 9:10
AM
· Gustuhin ·






kuya renante, paninira ang ginagawa
mo.bakit ba kasi lagi ka na lang nakikipag-away.noong una, akala ko mabuti
ka.pero ebverytime na nababasa ko yung mga post mo, lagi kang naninira ng mga
katoliko.bakiot ba binababoy mo ang dsal ng mga katoliko? kamag-anak ka ba ni
celdran at mido cruz?


8:36 PM ng Huwebes · Gustuhin





Renante
Nate


@LLOYD. For your information. Ang
binabanggit mong baboy na dasal sa wallpost na ito ay hindi ko gawa. Ang may-akda
lang naman niyan ay si PLARIDEL (Marcelo Del Pilar) bilang pang-uuyam
(contempt) sa mga prayle sa panahon ng Kastila. Ang akda ay may pamagat na
DASALAN at TOCSOHAN.

Sinadya ko na hindi isulat sa ibaba nito ang may-akda para subukin ang inyong
kamalayan.

Hindi na bagong bagay ang CCP art. Nauulit lang ang kasaysayan. Narito pa kasi
ang problema ng lipunan.


8:58 PM ng Huwebes · Gustuhin





Franz
Lugena


Ano yang gimik mo na subukin kuno
kamalayan namin? Ikaw ang walang malay dahil hindi mo ata alam na ang Our
Father at Hail Mary ay mga dasal na hango sa Salita ng Diyos. Our Father
[Mateo6:9-13]. Hail Mary [Lukas1:28, 42-43] Yung akda na yan ni Del Pilar eh
maliwanag na pambabastos sa Salita ng Diyos. Talata yan ng bibliya eh tapos
ma-murderin mo. Normal sa kristyano na magreact unfavorably sa bastos na akda
na yan. Alangan namang umagree pa sila. Talagang desperado ka na, kahit
propaganda ng mason eh sasakyan mo makapanira lang sa Simbahan.



Ginamit mo na rin lang si Del Pilar, gagamitin ko naman si Rizal. Ano ba patotoo
ni Rizal patungkol sa Simbahang Katoliko? Sa sulat niya kay Blumentritt dated
March 05, 1887 patungkol sa NoliMe Tangere, eto ang kanyang sabi:



“Inalisan ko ng takip sa mukha ang pagbabanal-banalan, na sa pamamagitan ng
relihiyong ginagawang kanlungan, ay nagpahirap at nagpalagay sa aming parang
mga hayop. Sinikap kong ipakilala ang pagkakaiba ng tunay na relihiyon sa
di-tunay. Itong huli – and di-tunay na relihiyon – ay nagpapausbong ng pamahiin
at gumagamit ng mga banal na salita upang maakit ang aming salapi, UPANG
MAPAPANIWALA KAMI SA MGA BAGAY NA DI-MAAARING MATANGGAP NG RELIHIYON KATOLIKA
KAILANMA’T AABOT SA KANYANG KAALAMAN.”
[Ref: Noli Me Tangere 5th Ed., Jose
Rizal (isinalin ni Guzman-Laksamana-Guzman)]



Textbook yan sa high school. Check it. Ani Rizal, yung di tunay na relihiyon ay
nagtuturo ng mga bagay na DI-MAAARING MATANGGAP NG RELIHIYON KATOLIKA
KAILANMA’T AABOT SA KANYANG KAALAMAN.
Maliwanag na ang Simbahang Katoliko ay
HINDI KABAHAGI ng di tunay na relihiyon na binabaka ni Rizal. Kung walang
kinalaman ang Simbahan sa di tunay na relihiyon, ano siya? TUNAY NA RELIHIYON.
Kaya bokya ka na naman sa desperasyon mo na sirain ang Simbahang Katoliko. Si
Rizal mismo kontra sa propaganda mo eh.


12:32 AM ng Biyernes · Gustuhin





Renante Nate


Two things:

1. Hoy. Hindi ako nagmurder ng catholic prayer ninyo. Copy paste ko lang yan sa
akda ni Plaridel na napagkakamalian ng iba tulad ni LLoyd. The point is hindi
na bagong bagay ang ginawa ng artist sa CCP. Nauulit lang talaga ang kasaysayan.
Kung sa panahon ni Rizal at Plaridel ay mga abusadong mga prayle ang sumisikil
sa kanila, ngayon naman ay mga obispo at mga kaparian ng katoliko (kasama na
dyan ang walang breeding na pari sa Pampanga at Tarlac na umalipusta sa akin
dito).



2. Your interpretation of Letter to Blumentritt is very flat and ridiculous. I
am happy to answer your no-brainer analysis.

Sa sulat na yan ni Rizal kay Blumentritt ay binigyan niya ng kahulugan ang
HINDI TUNAY NA RELIHIYON

a. ginagawang kanlungan, nagpapahirap at nagpapalagay sa mga Pilipino na mga
hayop.

b. nagpapausbong ng pamahiin

c. gumagamit ng banal na salita para maakit ang pera ng mga Pilipino.



UPANG MAPAPANIWALA KAMI SA MGA BAGAY NA DI-MAAARING MATANGGAP NG RELIHIYON
KATOLIKA KAILANMA’T AABOT SA KANYANG KAALAMAN.



Sa pangyayari, ano bang relihiyon sa Pilipinas ang pasok sa definition ni Rizal
ng HINDI TUNAY NA RELIHIYON sa kapanahunan niya? Hindi ba KATOLIKO? Kung
babasahin mo ang NOLI ME TANGERE, wala naman binabanggit dyan na ibang
relihiyon kundi KATOLIKO lang na mababa ang turing sa mga Pilipino, mapamahiin
at nagkakamal ng pera ng mga Pilipino.



Ang binabanggit ni Rizal na KATOLIKA sa huling bahagi ay HINDI ang KATOLIKO
dito sa Pilipinas kundi ang KATOLIKA na nasa Europa. Hindi katulad ang
sitwasyon ng Katolisismo dito sa Pilipinas at ng sa Europa. Kaya nga sabi niya
ay "di-maaaring matanggap ng relihiyon katolika KAILANMA’T AABOT SA
KANYANG KAALAMAN."



Ang Katolisismo dito sa Pilipinas sa pamumuno ng CBCP ay anak ng mapang-abusong
KATOLIKA dito sa Pilipinas noong panahon ng Kastila. No wonder. Mapangabuso din
ang mga obispo ng CBCP at mga pari nito.



Ang adhikain ni Rizal ay reforma including freedom of assembly and speech and
equal rights before the law. Nais ni Rizal na maging probinsiya ang Pilipinas
ng Espanya upang magtamo ng parehas na kalayaan at karapatan.


11:26 AM ng Biyernes · Gustuhin





Franz Lugena


‎[Renante Nate: 1. Hoy.
Hindi ako nagmurder ng catholic prayer ninyo. Copy paste ko lang yan sa akda ni
Plaridel na napagkakamalian ng iba tulad ni LLoyd. The point is hindi na bagong
bagay ang ginawa ng artist sa CCP. Nauulit lang talaga ang kasaysayan. Kung sa
panahon ni Rizal at Plaridel ay mga abusadong mga prayle ang sumisikil sa
kanila, ngayon naman ay mga obispo at mga kaparian ng katoliko (kasama na dyan
ang walang breeding na pari sa Pampanga at Tarlac na umalipusta sa akin dito).]




Hoy ka rin. Alam ko na akda yan ni Del Pilar. Pero the fact na pinaskil mo yan
dito para birahin ang Simbahan eh nangangahulugan na agree ka dyan. Ganyan ka
kadesperado na manalista ka. Kahit propaganda ng mason sasakyan mo makabira
lang sa Simbahang Katoliko. Wala ka atang kamalayan na ang binabastos ni Del
Pilar dyan eh hindi lang ang Simbahan kundi ang SALITA NG DIYOS mismo. Dahil
ang mga dasal na binaboy dyan eh hango sa teksto ng bibliya. Kung nagreact
negatively ang Simbahan sa akda na yan ni Del Pilar nung panahong yun, normal
yun. Hindi yun pagsikil sa kalayaan ng pamamahyag kundi pagtatanggol sa Salita
ng Diyos at sa pananampalataya na minamurder ng isang apostate na mason. Ang gusto
mo ata umayon pa ang Simbahang Katoliko sa akda na yan ni Del Pilar. Ano ka
hilo?



Patungkol sa isyu sa CCP, nararapat lang na ipasara yang exhibit ng Mideo Cruz
na yan. Hindi dapat na abusuhin ang ART para mambastos ng iba. Ano ibig mong
sabihin, anything goes pagdating sa ART kahit magbastusan na? Magdidikit ka
lang ng ari ng lalaki sa mga picture eh ART na? Ganyan ba taste mo sa ART?



Tsaka di ba kayong Iglesia ni Manalo ang sumisikil sa kalayaan sa pagpapahayag?
Bakit nyo kinasuhan si Ross Tipon dahil sa aklat nitong The Power and the
Glory: The Cult of Manalo? Yung legal counsel nyo pa na si Atty. Abraham Espejo
eh nagbanta na kung matutuloy ang pagpapalimbag ng nasabing aklat ay
magreresulta eto sa SOCIAL UNREST AT VIOLENCE. Sino ngayon mga bayolente? Sino
ngayon ang sumiskil sa freedomof speech? Di ba Iglesia ni Manalo? Talo nga kayo
sa kaso eh. lolz



[Renante Nate: 2. Your interpretation of Letter to
Blumentritt is very flat and ridiculous. I am happy to answer your no-brainer
analysis.

Sa sulat na yan ni Rizal kay Blumentritt ay binigyan niya ng kahulugan ang
HINDI TUNAY NA RELIHIYON

a. ginagawang kanlungan, nagpapahirap at nagpapalagay sa mga Pilipino na mga
hayop.

b. nagpapausbong ng pamahiin

c. gumagamit ng banal na salita para maakit ang pera ng mga Pilipino.



UPANG MAPAPANIWALA KAMI SA MGA BAGAY NA DI-MAAARING MATANGGAP NG RELIHIYON
KATOLIKA KAILANMA’T AABOT SA KANYANG KAALAMAN.



Sa pangyayari, ano bang relihiyon sa Pilipinas ang pasok sa definition ni Rizal
ng HINDI TUNAY NA RELIHIYON sa kapanahunan niya? Hindi ba KATOLIKO? Kung
babasahin mo ang NOLI ME TANGERE, wala naman binabanggit dyan na ibang
relihiyon kundi KATOLIKO lang na mababa ang turing sa mga Pilipino, mapamahiin
at nagkakamal ng pera ng mga Pilipino.]




Eh yung interpretasyon mo pala yung walang sense eh. Hindi Simbahang Katoliko
as an Institution ang pinatutungkulan ni Rizal na di tunay na relihiyon. Siya
nga nagpatotoo na yung mga gawain at turo ng DI TUNAY NA RELIHIYON ay DI
KAILANMAN MATATANGGAP NG RELIHIYON KATOLIKA KAILANMA’T AABOT SA KANYANG
KAALAMAN.
So on the level of principle, hindi Catholic Church pinatutungkulan
dyan.
 


Ang tinutukoy ni Rizal ay yung mga erring clerics nung panahon niya na nagtuturo
ng sarili nilang berisyon ng aral salungat sa turo ng Simbahang Katoliko upang
magpayaman at mang api ng mga Pilipino. Di nga raw agree ang Catholic Church sa
mga turo nila eh. Sila yung katuparan sa panahon ni Rizal nung sinasabi sa
bibliya:



Gal2:4

AT YAON AY DAHIL SA MGA HINDI TUNAY NA KAPATID NA IPINASOK NG LIHIM, na
nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming kalayaan na taglay namin kay
Cristo Jesus, upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin:




Mga di tunay na kapatid yun na inabuso ang katungkulan upang mang api ng kapwa.
Gumawa ng sariling aral para magpayaman. Hindi yan ang Simbahang Katoliko ayon
kay Rizal mismo. Kaya sablay haka-haka mo.



Ano pa proof? Sabi ni Rizal,isa sa mga gawain ng di tunay na relihiyon eh ang
pagpo-promote ng mga pamahiin. Ano aral ng Simbahang Katoliko patungkol sa
pamahiin?



CCC#2111

Superstition is the deviation of religious feeling and of the practices this
feeling imposes. It can even affect the worship we offer the true God, e.g.,
when one attributes an importance in some way magical to certain practices
otherwise lawful or necessary. To attribute the efficacy of prayers or of
sacramental signs to their mere external performance, apart from the interior
dispositions that they demand, is to fall into superstition.




Hindi nga agree ang simbahan sa superstition eh. So panong sya yung di tunay na
relihiyon na tinutukoy ni Rizal? Sablay talaga interpretasyon mo Nate.



[Renante Nate: Ang binabanggit ni Rizal na KATOLIKA sa
huling bahagi ay HINDI ang KATOLIKO dito sa Pilipinas kundi ang KATOLIKA na
nasa Europa. Hindi katulad ang sitwasyon ng Katolisismo dito sa Pilipinas at ng
sa Europa. Kaya nga sabi niya ay "di-maaaring matanggap ng relihiyon
katolika KAILANMA’T AABOT SA KANYANG KAALAMAN."]




Ang Simbahang Katoliko sa Europa man o sa Pilipinas eh IISA gaya nga ng
sinasabi sa bibliya: “One Faith…,” [Efeso4:5-6] Iisa lang ang opisyal na
doktrina na sinasampalatayanan. Para magpahiwatig ka na iba ang Catholic Church
sa Pilipinas sa Europa eh mali at pagpapakita lang ng kawalang malay sa
simbahang inaatake mo. Ang maliwanag na inaatake ni Rizal eh yung mga mapang
abusong prayle, at hindi lahat ng prayle at hindi ang Simbahang Katoliko bilang
institusyon. Ang iugnay ang simbahan sa di tunay na relihiyon na binabaka ni
Rizal ay obvious na pang-uuto mo lang. Kaso hindi lahat ng mga katoliko mauuto
mo.



[Renante Nate: Ang Katolisismo dito sa Pilipinas sa
pamumuno ng CBCP ay anak ng mapang-abusong KATOLIKA dito sa Pilipinas noong
panahon ng Kastila. No wonder. Mapangabuso din ang mga obispo ng CBCP at mga
pari nito.



Ang adhikain ni Rizal ay reforma including freedom of assembly and speech and
equal rights before the law. Nais ni Rizal na maging probinsiya ang Pilipinas
ng Espanya upang magtamo ng parehas na kalayaan at karapatan.]




Ang Iglesia ni Manalo dito sa Pilipinas ay pekeng relihiyon na tatag ni Manalo
nung 1914. Neverheard ang Iglesia ni manalo nung panahon ni Rizal. Bagong litaw
kasi at tatag lang ng tao.



Ang Simbahang Katoliko ay hindi mapang abuso manapa ay malaki ang naitulong sa
kaunlaran ng kabuhayan sa Pilipinas, maging sa larangan ng agrikultura,
arkitektura, sining, musika, kultura, literatura, at teknolohiya. Ang Iglesia
ni manalo ay halos walang kontribusyon kung ikukumpara sa mga nagawa ng
Simbahang Katoliko sa lipunan sa Pilipinas.



Ang alam kong mapang abuso eh yung mga manggagawa ng Iglesia ni Manalo. Eh di
ba si Manalo mismo nagpapatotoo na ang mga manggagawa nyo eh LAHAT MANLULUPIG
NG KATWIRAN? MGA TIWALI? MANINIKIL NG KAPATID?
O baka ideny mo yan eh recorded
yan. Puno nyo na mismo nagpapatototoo na mga tiwali manggagawa nyo.



Kaya advice ko sayo Nate, linisin mo muna bakuran nyo bago kayo mamuna ng iba.
Sinisita mo muta ng iba eh yung troso sa mata mo di mo nakikita. Yan ang
kahipokrituhan to the highest degree.


3:18 PM ng Biyernes · Gustuhin





Renante Nate


Very funny! Aber. Ano
tawag mo sa relihiyon ni Padre Damaso? Mga mapang-abusong prayleng dominican
agustinian at franciscan? Bakit kapag nagkamali ang simbahang katoliko ay
ibinababa ninyo sa mga abusadong pari at obispo ang sisi pero kapag nagsasalita
naman ang mga ito para bagang sila ang mismong simbahang katoliko. Double
standard kayo.

Halimbawa. Tunay bang katoliko ang nag-implement ng encomienda at polo y
servicios para manikil ng karapatang pantao? Follow up: anong diocese ang hindi
nanikil ng mga indio?


4:08 PM ng Biyernes · Gustuhin





Franz Lugena


[Renante
Nate: Very funny! Aber. Ano tawag mo sa relihiyon ni Padre Damaso?]




Eh ano tawag mo rin sa relihiyon ni Padre Florentino? Kilala mo ba si Padre
Florentino? Umamin lang kung hindi nang maturuan.



[Renante Nate: Mga mapang-abusong prayleng dominican
agustinian at franciscan?]




Hindi mapang abuso ang mga Dominican, Agustinian at Franciscan friars. Kung mapang
abuso sila eh bakit nung lumayas ang mga kastila dito sa Pilipinas eh patuloy
na minahal ng mga Pilipino ang mga naiwang prayle sa Pilipinas? Dapat sana
kinubkob ang mga kumbento at pinatay ang natitirang mga prayle. Bakit hindi
nangyari yun? Dahil hindi umabuso ang mga prayle. Yung augustinan recollects
nga nangangaral sa mga bundok ng nakapaa bilang bahagi ng kanilang disiplina.



Maaring yung iba eh umabuso pero hindi lahat. False generalization yang modus
mo na idadamay mo buong order dahil sa pagkakamali ng iilang miyembro. Ang
obvious na MANLULUPIG NG KATWIRAN, MANINIKIL, MANDARAYA, AT TIWALI eh yung mga
manggagawa ng Iglesia ni Manalo, patotoo mismo ni Ka Erdy. Lahat daw ng
manggagawa eh tiwali. Galing na mismo sa puno mo yan. Ide-deny mo ba yan dito? 

















Galing na mismo sa puno mo yan. O baka naman sabihin mo sinungaling puno mo?
Comment ka naman sa isyung eto. Tinakasan mo eto kaninan eh.



[Renante Nate: Bakit kapag nagkamali ang simbahang
katoliko ay ibinababa ninyo sa mga abusadong pari at obispo ang sisi pero kapag
nagsasalita naman ang mga ito para bagang sila ang mismong simbahang katoliko.]




Dahil obvious na ang nagkakamali eh yung tao. Yung gawa nung tao gaya ng pang
aapi, paniniwala sa pamahiin, pandaraya, at pang aabuso eh mga bagay na hindi
naman sang ayon sa doktrina ng simbahan. So bakit mo idadamay yung institusyon
eh in the first place, yung tao nga yung sumuway mismo sa turo ng simbahan kaya
nakagawa ng mga pang aabuso? Kaya malinaw na sablay talaga mga argumento mo.
For instance, dapat bang idamay ang buong propesyon ng medisina sa kagagawan ni
Hayden Kho? Natural hindi. Dahil yung gawain ni Hayden Kho eh taliwas sa
prinsipyo at standards of ethics ng medical profession. Ganun din sa kaso ng
simbahan at mga erring members nito. Miyembro yung sumuway sa turo ng Simbahan
kaya nakagawa ng mga maling gawain. It is unfair to crucify the institution
just for the mistakes of its members who defied the very institution in
question in the first place.



Ngayon yung kaso mo iba. Dahil yung puno mo mismo ang nagpapatotoo na LAHAT NG
MANGGAGAWA
nyo sa Iglesia ni Manalo ay MANLULUPIG NG KATWIRAN AT TIWALI.









[Renante Nate: Double standard kayo.]



Eh ikaw naman ay hipokrito. Puna ka nang puna gayun pala eh mas talamak ang
nangyayaring kabalastugan dyan sa hanay nyo. Puro ka akusa na kesyo nang abuso
ang mga prayle eh yung puno mo nga eh nagpapatotoo na LAHAT NG MANGGAGAWA NYO
EH MANLULUPIG NG KATWIRAN AT TIWALI.




[Renante Nate: Halimbawa. Tunay bang katoliko ang
nag-implement ng encomienda at polo y servicios para manikil ng karapatang
pantao? Follow up: anong diocese ang hindi nanikil ng mga indio? ]




Ayus-ayusin mo naman yang pangangatwiran mo. Sablay eh. Yung nag implement ng
encomienda eh gobierno ng Espanya hindi simbahan. So bakit mo idadamay ang
Simbahang Katoliko ha? Sablay talaga Nate.



Ako naman magtatanong, yung pahayag ba nung puno nyo na diumano'y mga tiwali at
manlulupig ng katwiran ang mga manggagawa nyo eh totoo o hindi?


7:56 PM ng Biyernes · Gustuhin ·





Renante Nate


Bakit magkaiba ba ang
relihiyon ni padre damaso at padre florentino? Bakit di mo masabi categorically
kung ano ang binabanggit ni rizal na HINDI TUNAY NA RELIHIYON base sa kanyang
definition? Meron pa bang ibang relihiyon sa pilipinas noong 1887?


Kahapon sa ganap na 5:25
AM · Gustuhin





Renante Nate


Porke ba hindi kinubkob
ang mga kumbento at pinatay ang mga natitirang prayle ay masasabi mong hindi
mapang-abuso ang mga orders ng Katoliko? What a funny argument!! That shows
your very low standard of morality. Kung susundan ko ang argumento mo ay
lilitaw na kapag hindi ka pala gumanti sa kaaway mo ay walang kasalanan ang
kaaway mo sa iyo. WHAT A CHARACTER!



So you are saying that the encomienda system and Forced Labor are not doctrines
of Catholic CHurch? HYPOCRITES! Sa panahon ng Kastila there is no separation of
Church and State. The alperes and the kura shared the same power and
administration of the San Diego. Nakinabang ng malaki ang simbahang Katoliko sa
pang-aabusong ito. Tapos magmamalinis kayo.

Ano pinagkaiba niya ngayon na hinuhuthutan ang PCSO at sasabihing masama ang
sugal? May pinagmanahan nga.


Kahapon sa ganap na 7:05
AM · Gustuhin





Franz
Lugena


[Renante
Nate: Bakit magkaiba ba ang relihiyon ni padre damaso at padre florentino?]




Magkaiba. Yung kay Padre damaso, yun yung DI TUNAY NA RELIHIYON na tinutukoy ni
Rizal na nagpapausbong ng mga pamahiin, at gumagamit ng mga banal na salita
upang pagkakwartahan ang mga tao, at nagtuturo ng mga bagay na DI MAAARING
MATANGGAP NG SIMBAHANG KATOLIKO.
Yung relihiyon ni Padre Florentino, yun yung
tunay na relihiyon. At Simbahang Katoliko yun.
 


Kung merong tunay na relihiyon, meron ding di tunay na relihiyon. Kung may
tunay na Simbahang Katoliko. Meron ding pekeng Simbahang Katoliko. Yung peke,
yan yung relihiyon ni Padre Damaso.



[Renante Nate: Bakit di mo masabi categorically kung
ano ang binabanggit ni rizal na HINDI TUNAY NA RELIHIYON base sa kanyang
definition?]




Anong di ko masabi categorically? Eh sinabi ko na nga, hindi ka lang nagbasa.
Sabi ko, yung di tunay na relihiyon ay yung relihiyon na imbento ng ilang mga
mapang-abusong prayle na nagtuturo ng mga bagay na SALUNGAT SA TURO NG
SIMBAHANG KATOLIKO.
Pano naman magiging Simbahang Katoliko yung di tunay na
relihiyon gaya ng puntong pinagpipilitan mo eh sabi mismo ni Rizal yung di
tunay na relihiyon eh nagtuturo ng mga bagay NA DI MAAARING MATANGGAP NG
SIMBAHANG KATOLIKO.
So panong Simbahang Katoliko pa rin yun? Lawak-lawakan
naman ang pag iisip.



[Renante Nate:Meron pa bang ibang relihiyon sa
pilipinas noong 1887?]




Meron. Yung pekeng bersyon ng relihiyon ng mga mapang abusong prayle. Yan yung
di tunay na relihiyon na ayon kay Rizal eh nagtuturo ng mga bagay na di
matatanggap ng Simbahang Katoliko. Di kataka-taka yan dahil kung si Satanas eh
kayang magpanggap na anghel ng liwanag, ang kampon niya ay pwede ring magpanggap
na mga alagad ng Diyos. [2Cor11:14-15] Pero ang punto, sa lebel ng prinsipyo at
opisyal na aral, tunay na relihiyon ang Simbahang Katoliko ayon kay Rizal. Di
nga raw matatanggap ng Simbahang Katoliko ang mga maling aral ng di tunay na
relihyon eh. Bakit di matatanggap? Kais tunay na relihiyon ang Simbahang
Katoliko.



Tsaka base sa tanong mo, implied na talagang bagong imbento lang yang sekta mo
na tatag ng tao. Neverheard nung panahon ni Rizal. Lolz


22 oras na ang nakalipas · Gustuhin





Franz
Lugena


[Renante Nate:Porke ba
hindi kinubkob ang mga kumbento at pinatay ang mga natitirang prayle ay
masasabi mong hindi mapang-abuso ang mga orders ng Katoliko? What a funny
argument!! That shows your very low standard of morality.]




Actually, it is your reading comprehension that is so funny it is downright
pathetic as it hits rock bottom. Eto guide questions ha? Bakit naghimagsik ang
mga Pilipino laban sa mga kastila? Dahil mabait ang mga kastila? Syempre hindi
di ba. Inabuso at inapi nila ang mga Pilipino kaya sila naghimagsik. Simple
cause and effect. Pero bakit sa gobierno lang itinuon ng mga rebolusyunaryo ang
paghihimagsik? Bakit di nila sinama ang Simbahang Katoliko? Bakit di nila
kinubkob ang mga kumbento at simbahan kung talagang mapang abuso generally ang
mga prayle? Kung ginagamit mo sentido komon mo malalaman mo na merong dahilan
yan at di lang yan bunga ng trippings ng mga rebolusyunaryong Pilipino.



Ang dahilan kung bakit hindi ginalaw ang Simbahan ay dahil mabuti ang
pakikitungo ng mga prayle sa mga Pilipino. Kaya kahit na nagsilayas ang mga
kastila sa Pilipinas, hindi ginalaw ang mga naiwang prayle dito. Ang mga prayle
ay patuloy na minahal ng mga Pilipino. Yan ang di maabot ng kamalayan mo Nate.
Lolz



[Renante Nate:Kung susundan ko ang argumento mo ay
lilitaw na kapag hindi ka pala gumanti sa kaaway mo ay walang kasalanan ang
kaaway mo sa iyo. WHAT A CHARACTER!]




Sabi mo susundan mo argumento ko, pero ang layo sa hulog ng sagot mo. Obvious
naman na kahit sa normal human relation, people react on the basis of what is
done to them. Kung mabuti pinakita mo, mabuti rin ipapakita sayo. Kung masama
ginawa mo sa kapwa mo, masama rin ipapakita sayo. Sa kaso ng Spanish Government
sa Pilipinas, hindi maganda ang trato nila sa mga Pilipino. Yan ang dahilan
kaya naghimagsik ang mga Pilipino sa kanila. Ngayon ang tanong, bakit hindi
kasama sa pinaghimagsikan ng mga Pilipino ang mga prayle? Bakit? Dahil mabuti
ang pakikitungo ng mga prayle sa mga Pilipino. Yan ang pagmuni-munihan mo Nate.




[Renante Nate:So you are saying that the encomienda
system and Forced Labor are not doctrines of Catholic CHurch?]




Eh kaya mo bang patunayan na opisyal na doktrina ng Simbahang Katoliko ang
encomienda at forced labor? Litaw mo dito provision sa Catechism na
nagpapatunay dyan sa bogus mong claim. Di ata abot ng kamalayan mo na Spanish
Colonial Government ang nagpatupad ng ecomienda at forced labor. Yung
pagpipilit mo na iugnay ang Simbahang Katoliko sa encomienda at forced labor ay
malinaw na DESPERASYON sa panig mo. Hanggang ngayon wala kang pruweba sa mga
dinadaldal mo dito. Puro ka nga dyan iwas eh. Andaming punto ko na iniwasan mo.
Sukol kasi. Lolz



[Renante Nate:HYPOCRITES! Sa panahon ng Kastila there
is no separation of Church and State.]




Ay nagdunung-dunungan sablay naman. Kung totoo yang claim mo na walang
separation of church and state nung panahon ng Spanish Occupation, dapat sana
may mga pari na nagpapalakad ng gobyerno at may mga guadia sibil na nagmimisa.
Kaso wala eh. Bunga lang yan ng malikot mong kukote Nate. Di ata abot ng
kamalayan mo na panahon pa ni Pope Gregory VII nung 11th century, eh inilatag
na yung rule of separation between the church and state as part of the
Gregorian Reforms. For you to claim na nung panahon ng kastila sa Pilipinas eh
wala pa ring separation of church and state is a gross ignorance on your part.
Hindi ka na nahiya. Nagkakalat ka ng kasinungalingan.



“For Gregory, though, THE KING WAS JUST ANOTHER LAYMAN, A NON-ORDAINED FIGURE
WHO HAD NO RIGHT TO INTERVENE IN THE AFFAIRS OF THE CHURCH. BY EXTENSION, THE
STATE THAT THE KING RULE LIKEWSIE POSESSED NO POWERS OVER THE CHURCH.




The Gregorian Reform CLARIFIED THE BOUNDARIES THAT MUST SEPARATE CHURCH AND
STATE IF THE CHURCH IS TO ENJOY THE LIBERTY SHE NEEDS TO CARRY OUT HER
MISSION.”
[Ref. How the Catholic Church Built Western Civiliation by Dr. Thomas
Woods, p. 190]



Kaya magsisi ka na Nate sa mga kasinungalingan mo. Sabi ng Diyos yung
sinungaling ay tiyak na paparusahan at mamamatay.



Kawikaan 19:9

Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng
mga kasinungalingan ay mamamatay.




Buko na modus mo na pagkakalat ng kasinungalingan.




[Renante Nate: The alperes and the kura shared the same
power and administration of the San Diego. Nakinabang ng malaki ang simbahang
Katoliko sa pang-aabusong ito. Tapos magmamalinis kayo.]




Anong shared the same power and administration na sinasabi mo? Kung merong
power ang kura, yun ay spiritual hindi secular. Yung secular power, nasa
Alperes yun. Ang nagpapatupad ng batas at kaayusan ay ang Alperes. At ang Kura
ang nangangalaga sa spirituality ng mga mamamayan. Kaya sablay ka na naman.



[Renante Nate: Ano pinagkaiba niya ngayon na
hinuhuthutan ang PCSO at sasabihing masama ang sugal? May pinagmanahan nga.]




Anong panghuhuthut na binubusa mo eh ang alam kong eksperto sa panghuhuthut eh
yung Iglesia ni Manalo. Matindi sekta mo sa huthutan eh. Biruin mo sa isang
linggo, dalawang beses abuluyan, may fine ka pa kapag umabsent ka, tapos may
Anniversary pa, plus yung end of the year na alay, plus yung doktrina nyo na di
dapat bumaba yung abuloy as compared to the past year. Yan ang maliwanag na
panghuhuthut.



Tsaka bago magkalimutan paki sagot naman nitong tanong ko na iniiwasan mo: Yung
pahayag ba ni Ka Erdy na diumano'y mga tiwali at manlulupig ng katwiran ang
LAHAT NG MGA MANGGAGAWA NYO SA IGLESIA NI MANALO eh totoo o hindi? Yes or No
lang naman yan bakit mo naman tinatakasan Nate? Ha?


22 oras na ang nakalipas · Gustuhin










No comments:

Post a Comment