-
father abe
nais ko lamang po itanong kung pwede
po ba yung pag di-dip ng ostia sa wine?
may pari po kasi gumawa nun sa isang parish sa mental institution
tinanong ko po ang tatay ko ang sabi, baka daw po kasi maitapon ng mga pasyente.
pati po yung "Amazing Grace" kinanta po nila
sabi po ng taga RealCatholicTV.com na si michael voris eh protestant song daw po yun
pwede ko po ba mahingi ang inyong opinion?
eto po ang link sa vid ng AMAZING GRACE
http://www.youtube.com/watch?v=KL1TLJ1ftP0
ivan
-
[nais ko lamang po itanong kung pwede po ba yung pag di-dip ng ostia sa wine?]
Yes, pwede po iyon. Walang masama duon. Nasa discretion ng pari kung gusto nyang ibahagi ang alak sa mga tao lalo na sa mga maysakit na tulad ng mga mental patient.
Kasi nga kung papainumin nya sila sa Chalice baka matapon. Kaya i dip na lang.
[pati po yung "Amazing Grace" kinanta po nilasabi po ng taga RealCatholicTV.com na si michael voris eh protestant song daw po yun
pwede ko po ba mahingi ang inyong opinion?]
Ang awit na Amazing Grace bagamat composed ng isang Protestante ay isang spiritual song of gratitude to God by one person who was formerly a sinner but converted by the grace of the Lord.
Walang oppose sa Catholic Faith sa kanta. Ito ay isang napakagandang kanta at naging spiritual heritage na ng buong daigdig. Kaya hinid ito masamang awitin ng mga Catholics. In fact sa Liturgy of the Hours naming mga pari for English speaking countries, isa yan sa listahan ng mga hymns.
Hindi lahat ng gawa ng Protestants ay masama o mali. Meron din silang nagawang mabuti. Isa na diyan ang awiting AMAZING GRACE. Actually kung uunawain natin ang kanta, parang ang nagbalik na Prodigal Son ang umawit matapos na matanggap niya ang pagpapatawad ng Ama.
No comments:
Post a Comment