-
fr. abe. ilang taon kana naging pare.. kng dios si cristo bakit may dios ama dios anak dios esprito. tatlo na ang dios nayan. diba sa panahon ni constantino ginawang dios si cristo, dahil po nag aaway ang mga pare? noong 325 AD. diba sabi ng dios ni kailan man hindi maging tao ang dios? palibhasa kasi sarado ang inyong isipan.. may hula naman sa bibliya makilala nyo ang isang demonyo ang soot nya ay gaya sakin, at may tandaan sa noo. kaw un abe naka sotana ka. at my sign of the cross un po sabi ni cristo at apostol.hehehehehe.tnx
-
[fr. abe. ilang taon kana naging pare..]
IKAW NAMAN ILANG TAON KA NANG NAGING TAO... KUNG TAO KA?
[kng dios si cristo bakit may dios ama dios anak dios esprito.]
DAHIL ANG DIOS AY NAGPAHAYAG NG KANYANG PAGIGING ISA SUBALIT MAY TATLONG PERSONA. ANG AMA, ANAK AT ANG ESSPIRTO SANTO. GAYA NG ITINURO NG PANGINOONG JESUS:
Mateo 28:19 (Ang Salita ng Diyos)
19Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.
IISA ANG NGALAN NG DIOS DAHIL IISA ANG KANYANG ESSENCIA SUBALIT MAY TATLONG PESONA: ANG AMA, AT ANG ANAK AT ANG ESPIRITU SANTO. BIBLIA ANG NAGBIGAY NIYAN HINDI NAMIN IYAN INIMBENTO.
[tatlo na ang dios nayan.]
HINDI. ISA LANG. DAHIL ISA LANG ANG KANILANG ESSENCIA BILANG DIOS. ANG AMA AY DIOS. SI CRISTO AY DIOS:
Hebreo 1:8 (Ang Salita ng Diyos)
8Ngunit patungkol sa Anak, sinabi niya: O DIYOS, ang iyong trono ay magpakailanman. At ang setro ng katuwiran ang magiging setro ng iyong paghahari.
AYAN. ANG AMA MISMO ANG TUMAWAG NA DIOS KAY CRISTO. KAYA NGA DIOS SI CRISTO. SUBALIT HINDI DALAWA ANG DIOS DAHIL ANG ANAK AT ANG AMA AY IISA:
Juan 10:30 (Ang Salita ng Diyos)
30Ako at ang Ama ay IISA.
ANG ESPIRITO SANTO AY DIOS DIN SAPAGKAT ITO ANG ESPIRITO NG AMA:
Mga Taga-Corinto 6:11 (Ang Salita ng Diyos)
11Ganito ang ilan sa inyo, ngunit kayo ay nahugasan na, kayo ay pinabanal na. Kayo ay pinaging- matuwid sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan ng ESPIRITU NG ATING DIOS.
ANG HOLY SPIRIT IS THE SPIRIT OF GOD. AND IT IS ALSO THE SPIRIT OF CHRIST:
1 Pedro 1:11 (Ang Salita ng Diyos)
11Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng ESPIRITU NI CRISTO na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito.
KITAM, ANG ESPIRITU SANTO AY ANG ESPIRITU NG DIOS AT ANG ESPIRITU NI CRISTO. DAHIL ANG AMA AT SI CRISTO AY IISA KAYA IISA RIN ANG KANILANG ESPIRITU. ANG ESPIRITU NG DIOS AY DIOS.
-
[diba sa panahon ni constantino ginawang dios si cristo,]
MALI. SI CRISTO AY KINIKILALA NANG DIOS NG MGA CRISTIANO PANAHON PA MAN NG MGA APOSTOLES. NUNG PANAHON NI CONSTANTINO NAGDEKLARA LAMANG ANG CONCILIO NG NICAEA NA HERETICO ANG ARAL NA NAGSASABING 'HINDI DIOS SI CRISTO'.
[dahil po nag aaway ang mga pare?]
HINDI NAG-AWAY AWAY. MERON LANG ISANG BALIW NA NAGNGANGALANG ARIUS NA GUSTONG BAGUHIN ANG DOCTRINA CRISTIANA. GUSTO NYANG ITURO NA SI CRISTO AY TAO LANG. KAYA SIYA AY KINAGALITAN NG HALOS LAHAT NA MGA OBISPO NG SANTA IGLESIA.
[noong 325 AD.]
NUONG 325AD IPINAGTANGGOL LANG NG MGA OBISPONG CATOLICO ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA SA BAGONG IMBENTONG ARAL NA GAWA NI ARIUS, PARI NG ALEXANDRIA NA SI CRISTO AY TAO LANG. KAYA ANG ARAL NI FELIX MANALO NA TAO LANG SI CRISTO AY GALING SA ISANG HERETICO AT ISINUMPANG PARI.
[diba sabi ng dios ni kailan man hindi maging tao ang dios?]
WALANG SINABI ANG DIOS NA GANYAN. ANG SABI NIYA "I AM GOD NOT MAN" [Hosea 11:9] SUBALIT SINABI NIYA IYON BAGO MAGKATAWANG TAO ANG DIOS ANAK. NUNG MAGTAKATAWANG TAO NA ANG DIOS ANAK HINDI NA SINABI PA IYON NG DIOS AMA.
ISA PA, TIGNAN MONG MABUTI ANG IBIG SABIHIN NG TALATA:
Hosea 11:9 (King James Version) 9I will not execute the fierceness of mine anger, I will not return to destroy Ephraim: for I am God, and not man; the Holy One in the midst of thee: and I will not enter into the city.
ANG IBIG SABIHIN NIYAN ANG DIOS AY HINDI TULAD NG TAO NA MALUPIT AT WALANG AWA AT NAGPAPADALA SA GALIT. ANG DIOS AY PUNO NG PAG-IBIG AT AWA AT PAGPAPATAWAD.
-
[palibhasa kasi sarado ang inyong isipan..]
HINDI SARADO ANG AMING ISIPAN. NAGKATAON LANG NA WALA KANG ISIP. NAGPAUTO KA KAY MANALO O KUNG KANINONG IMPAKTO NA NAG-IMBENTO NG RELIHIYON MO.
[may hula naman sa bibliya makilala nyo ang isang demonyo ang soot nya ay gaya sakin,]
HA, HA, HA... TALAGA. SAAN SINABI NI JESUS ITO? WALA ATANG NAKASULAT NA GANYAN SA BIBLIA. NABABALIW KA NA AT NAG-IIMBENTO NG SALITA PARA KAY CRISTO. HA, HA, HA...
[at may tandaan sa noo.]
TALAGA NGANG WALA KANG ISIP. ANG MGA KAMPON NG DEMONIO AY MAY TANDA SA NOO. SUBALIT ANG MGA TUNAY NA ALAGAD NG DIOS AY MAY TATAK SA NOO. PINATUTUNAYAN IYAN NG BIBLIA:
Pahayag 7:3 (Ang Salita ng Diyos)
3Sinabi ng anghel sa kanila: Huwag ninyong saktan ang lupa o ang dagat o ang mga punong-kahoy hanggang hindi namin nataTAKANan sa NOO ang mga alipin ng aming Diyos.
SEE, MAY TATAK SA NOO ANG MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIOS. KAMI MAY TATAK SA NOO. KAYO BA MERON? HE, HE, HE... ANONG TATAK ITO? TATAK NG PANGALAN NG AMA AT NG ANAK:
Rev 14:1 [Ang Biblia] 'Ang apat na put apat na libong may PANGALAN NIYA [Cordero], at PANGALAN NG KANYANG AMA, na nasususlat sa kanikaniyang NOO.'
O ANO BA ANG TATAK NAMIN SA NUO? TATAK NG KRUS NI CRISTO ANG PINASLANG NA CORDERO AT HABANG ITINATATAK ITO SA AMIN ANG SINASABI AY: "SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO."
YAN ANG TUNAY NA PALATANDAAN NG TUNAY NA LINGKOD NG DIOS.
[kaw un abe naka sotana ka.]
HA, HA, HA... BALIW. PA- KAW KAW KA PA DIYAN. HA, HA, HA... PARA KANG ASO SA IYONG 'KAW KAW'.WALANG SUTANA NA BINANGGIT SI CRISTO. HA, HA, HA... LIAR, LIAR, LIAR. HA, HA, HA... ITO ANG TUNAY NA SINABI NI CRISTO:
Mateo 7:15 (Ang Salita ng Diyos)
15Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na NAGDARAMIT-TUPA, ngunit sa loob ay mababangis na lobo.
O SAAN DIYAN ANG SUTANA? KITAM, NALOKO KA NG PASTOR MONG KASING BOBO MO. HE, HE, HE... PATI KAMI LOLOKOHIN MO PA.
SAAN GALING ANG KASUOTAN NAMIN, ANG AMING PUTING DAMIT NA YARI SA KAYONG LINO? UTOS NG DIOS PARA SA MGA SASERDOTE SA SANCTUARIO NG PANGINOON:
Levitico 16:4 "Siya'y maliligo; pagkatapos, magsusuot ng SAGRADONG KASUOTAN---linong mahabang panloob na kasuotan, linong salawal, linong pamigkis, at linong turbante."
GANYAN ANG DAMIT NG AMING MGA PARI. IYAN ANG URI NG DAMIT NA INIUTOS NG DIOS PARA SA MGA LALAKING MAGLILINGKOD SA DAMBANA AT ALTAR NG DIOS. IYAN AY SAGRADONG KASUOTAN. ANG "SUTANA" AY NANGANGAHULUNGANG SAGRADONG KASUOTAN.
KAYO ANG DAMIT NINYO AY PEKE AT HINDI INIUTOS NG DIOS. SAAN NAKASULAT SA BIBLIA NA DAPAT NAKABARONG AT NAKA-AMERICANA ANG MGA PASTOR AT MINISTRO? MINSAN ANG KULAY NG BARONG PUTI, ANG AMERICAN BROWN AT BLACK... GANYAN ANG KULAY NG DAMIT NG MGA TUPA, GAYON DIN NG MGA LOBO.
KAYA BAGO KA MAMINTAS TIGNAN MO MUNA ANG IYONG SARILI AT ANG MGA KAURI MO.
[at my sign of the cross un po sabi ni cristo at apostol.hehehehehe.]
HA, HA, HA... ANG MGA DEMONIO AY KAAWAY NG KRUS NI CRISTO AT KAYO YON:
Philippians 3:18-19 (King James Version)
18(For many walk, of whom I have told you often, and now tell you even weeping, that they are THE ENEMIES OF THE CROSS OF CHRIST:19Whose end is destruction, whose God is their belly, and whose glory is in their shame, who mind earthly things.)
KAYO IYANG MGA KAAWAY NG KRUS NI CRISTO. MGA KAMPON NG DEMONIO. KAMING MGA CATOLICO AY KAKAMPI NG KRUS NI CRISTO AT MGA TUNAY NA ALAGAD NG DIOS. HE, HE, HE...
KAMPON NG DEMONIO!!!
[tnx]
SALAMAT DIN! HA, HA, HA...
No comments:
Post a Comment