Monday, September 27, 2010

BAKIT GALIT NA GALIT ANG IBANG RELIHIYON SA SANTA IGLESIA CATOLICA AT KAY BIRHENG MARIA?

The Child King and His Mother... crowned with Stars


andee of talisayan misamis oriental said...

Father Abe, tanong ko lang, sana mapatawad ako ng Dios natin at ng mahal na birhen sa katanungan kong ito. Kung ang Iglesia Catolica ay tunay na religion, bakit kinasusuklaman sya halos lahat ng mga christian at non christian religions? Kung si Sta Maria ay tunay na pinagpala sa babaeng lahat ay bakit kinasusuklaman sya halos lahat ng mga protestante? Bakit kailangan nilang kasuklaman sya ng todo2x? Bakit maraming galit sa kanya?



Fr. Abe, CRS said...

Dear Andee,




Nasusuklam sila sa Santa Iglesiia at sa Mahal na Birhen kasi ang CAtholic Church ang tunay na Iglesia at alam nilang peke sila.




Galit sila sa Mahal na Birhen dahil demonyo ang nagtatag sa kanila at ang demonyo ay kalaban ng mahal na Birhen ang Ina ng Mesiyas:





Genesis 3:15 Tagalog: Ang Biblia (1905) "At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong."




ANG BABAENG INA NG MESIYAS AT ANG AHAS NA SI SATANAS AY LAGING MAG-AAWAY. TAYO KAY KAKAMPI NG BABAE AT SILA AY KAKAMPI NG AHAS.




ITO RIN AY SINUSUGAN NI APOSTOL SAN JUAN:




Rev 12:1 "At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin"




SINO ANG BABAENG ITO? ANG NAGSILANG SA MESIYAS... AY SI MARIA. DAHIL SIYA ANG NAGSILANG SA HARI NG MGA BANSA. [Rev 12:5]




ANG DRAGON AY PAULIT-ULIT NA SUMALAKAY SA BABAENG INA NG MESIYAS SUBALIT HINDI SIYA NANAIG [Rev 12:4/ 13-17]. DAHIL HINDI HINAYAAN NG DIOS NA MATALO ANG BABAE:


Rev 12:13-17 "At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake. 14 At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. 15 At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. 16 At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig. 17 At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus"




IKAW, KANINO KA KAKAMPI SA BABAE O SA DRAGON? KAY MARIA O KAY SATANAS?


No comments:

Post a Comment